Hope01

811 34 1
                                    

HOPE

Nagbabasa ako ng Demidoll ni -sheena- nang biglang kumalampag yung gate namin sa labas. Agad kong maririnig yun dahil nagcacamping ako sa mag veranda ko.

"Meooow"

Nako, si Meng na naman siguro yun. Hinayaan ko nalang syang maglaro dun sa baba habang ako, tinuloy lang ang pagbabasa ng wattpad.

Maya-maya'y kumalampag naman sa baba ng bahay namin. Tumayo ako para icheck kung ano bang klaseng laro ang nilalaro ni Meng.

Pagbaba ko, nakabukas yung ilaw namin sa sala. Sa pagkakatanda ko, pinatay ko lahat ng ilaw sa bahay ah?

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa veranda saka hinablot yung kumot kong nakalatag sa loob ng tent at ibinalot ito sakin.

"Meooow" Sumilip ang pusa kong si Meng sa likod ng tent. Sinenyasan ko syang wag maingay pero lumapit lang ito sakin.

Dear Diary,

Nagbabasa ako kanina nang kumalampag yung gate namin. Dis oras na kaya ng gabi ang ingay ingay ni Meng -,- ayun, bumaba ako. Tapos bukas yung ilaw! Huhu, baka may multo na nyan dito sa bahay.

Maganda,
Hope

PS. Demidoll yung binabasa ko yieee

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon