Hope08

250 19 0
                                    

Dear Diary,

At yun na nga! Confirmed na may zombie apocalypse na dito sa planetang ert!

Sana bumalik nalang ako sa planeta ko :3 char hahaha.

Pano ko nalaman? Kasi ganito yaaan...

Napagpasyahan namin ni Ming Meng na umalis na sa bahay. Hindi na kasi safe dito pag nag stay pa kami. Plus, kulang na kami ng food supplies dito.

Nakapagimpake nako ng kailangan kong gamitin lalo na yung emergency kit tsaka litterbox ni Meng hihihi. Umalis kami ng bahay dala dala si Wigo ni daddy. (Which is nagasgasan ko ng konti— konti lang. Wag nyo ako isusumbong huhu)

Nung binuksan ko yung radyo, nagplay yung replay sa isang station. Sabi, kalat na daw sa buong planeta ang epidemya (shaks lalim nyan oh).

Nakahinto pala kami sa 7/11 para magtanghalian. Buti nalang gumagana pa yung microwave dito nako! Kung walang kuryente nun tapos sira pa 'to, mamamatay ako sa gutom >.<

Kakain muna ako diary. Bukas nalang ulit. Marami pa kaming adventures for sure.

Gutom si,
Hope

PS. Ramen lang kinain ko huhu :<

PPS. Gumagana yung ice cream machine. Yayy :>

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon