Hope's POV
Hala ano 'to? Flashdrive? Bakit nandito 'to?
Hinanap ko yung reserbang cellphone ko para dun isaksak yung flashdrive.
Bakit kinakabahan ako?
"Anak, Hope, incase na may mangyaring masama, wag mong iisipin na iniwan ka na namin ng mommy mo ha? Mahal na mahal ka namin, Princess." Yan yung nilalaman ng unang video. Nakapangalan kasi sa akin yung file kaya ito muna ang binuksan ko.
Mommy... Daddy... Kahit spoiled brat ako sa kanila, they still chose to work hard para sa pangangailangan ko.
Oh how I miss them...
"Day 46, The subject is now experiencing major seizures due to the effects of the chemicals—"
"Day 53, The subject is currently vommiting caused by the injected chemical—"
"Day 77, I think we're going to celebrate. Right Dr. Alcantara? [I think so too hahaha] The subject's capability is now enhanced by 44%. Sooner or later, the subject will experience the maximized inhuman strength and intelligence—"
"Day 78, Dr. Alcantara and I were wrong. Human Enhancement Project will be Mission Abort. [Argh!— what the?!]—"
"Day 79, Hello this is Dr. Pelyn Ramos together with my husband, Dr. Horren Ramos ans our co-workers, Dr. Ranezi Yabes and Dr. Katheleen Mary. Unfortunately, Dr. Alcantara was bitten by our subject. We're not yet sure kung anong nangyayari sa itaas dahil we're hiding in an underground laboratory."
"Day 80, this is Dr. Yabes speaking. The subject is now calmed. Tinurukan namin sya— oh my god! He's wild again! [Dr. Yabes! Dr. Alcantra is missing!] What?! How come— argh!"
"Day 81, this is Dr. Horren. The virus is now spreading. I hope makakuha agad kami ng cure."
S-Si daddy ang nagsimula nito?
Bumaba ako para ipaalaman sa iba yung nalaman ko. I can't believe na si daddy ang may kagagawan nito.
Nasa hagdan pa lang ako pero naririnig ko na ang usapan nila. Minabuti ko munang magtago at sumilip para may makuha akong impormasyon.
Tumayo bigla si Kian. Siguro naiihi na 'to.
"Edi hanapin natin yung may kasalanan para matapos na 'tong kagaguhan na 'to!" Galit nyang sigaw. Akmang magwowalk out na si Kian nang biglang nagsalita si Xyna.
"Paano natin magagawa yun kung ni kapiranggot na lead sa culprit, wala tayo?!" Tsk. Mukhang nagkakasagutan na sila.
Umakyat agad ako pabalik sa kwarto ko. Si Xyna ang ka-share ko dito kaya malamang, aakyat na yun mamaya.
Hindi ko alam kung itatago ko ba yung nalalaman ko or wag na. Pag tinago ko yun, either way malalaman din nila yung tungkol dito e.
"Uy Hope. Ayos ka lang? Bakit mukha kang may diarrhea jan? May problema ba? Tara kakain na." Sa sobrang lalim ng iniisip ko, ni hindi ko na namalayang pumasok na pala si Xyna.
Dahan dahan kong shinoot sa bulsa ng bag ko yung phone ko tsaka yung flashdrive.
"Tara. Nagugutom na rin ako e. Hehe." Sabi ko. Sabay na kaming bumaba tapos tumabi na rin sya sakin sa dining table.
Marami pang files ang naka save dun sa flashdrive ni daddy. Kailangan kong mabuksan lahat ng iyon para masiguro ko kung nandun yung ginamit nilang formula na tinurok dun sa subject.
Kailangan ko nga lang gawin yun ng mag-isa...
BINABASA MO ANG
HOPE
Adventure✔️Completed Diary ng makulit at madaldal na babae sa gitna ng Zombie Apocalypse kasama ang pusa nyang bundat na si Meng. Date started: March 9, 2018 Date ended: March 23, 2018 Highest Rank achieved: #41 in ADVENTURE