3rd Person's POV
Habang abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa, hindi na nila namalayang umalis na si Hope sa puder nila. Ang hindi alam ni Hope, nalaglag ang diary nya sa hagdan nung bumaba sya.
Kabisado ni Hope ang passcode ng gate dahil kaparehas lang ito ng passcode ng maindoor kaya hindi na sya nahirapang umalis.
Bitbit nya ang bag nya pati na rin si Meng nang tinahak nya ang kahabaan ng daan. Tanging ang baril na pinabaon ng daddy nya ang dala niyang sandata laban sa mga zombie.
Nang matanaw ni Hope ang isang abandonadong building, naisipan nyang doon muna magpalipas ng gabi.
Habang sinusuklay ni Hope ang balahibo ng kaniyang alaga, naaninag nya ang lalaking kanina pa pala syang sinusundan.
Walang anu-ano ay binaril ng lalaki si Hope ng pampatulog saka biglaang nawala si Hope na parang bula.
Kian's POV
Mabilis lang dumaan ang oras. Hapon na agad kaya naisipan kong maligo muna. Umakyat ako sa second flor dahil nandun yung kwarto ko nang bigla akong sinalubong ni Beng— dala dala ang diary ni Hope.
"Beng bakit dala mo yung diary ni Hope? Ha? Akin na nga yan." Inilapag nya ang diary sa paanan ko tapos bumalik sya sa kwarto namin.
Nang mailapag nya iyon, napansin kong may nakasipit na papel doon kaya tiningnan ko kung ano iyon.
Intelligence Line?
Human Enhancement Project?
Ano 'to?
Tumakbo ako pabalik sa first floor tapos tinipon ko ang lahat ng mga kasama namin.
"Carlo, nanjan pa ba sa'yo yung flashdrive ni Hope?" Tumango agad dta tapos kinuha sa bulsa nya yung flashdrive. Sinaksak ko yun sa tv nina Joanne at pinanuod isa-isa ang mga files na nandun.
Doon ko rin nalaman yung kasagutan sa tanong naming lahat.
"Day 9, Hello! This is Dr. Ramos. Dr. Horren Ramos and nandito kami ngayon sa underground laboratory ni Dr. Alcantara. Wala munang subject testing. Nandito kami ngayon para i-explain ang aming project. The Human Enhancement Project.
This.. Is the Intelligence Line. The subject will act as the first line; ang pure enhanced human. Ang magiging anak nya ang mapupunta sa second line which means mababawasan ang pagiging enhanced nila ng 5% by generation dahil hindi direktang nainject sa kanila ang ating formula. Right doc? [Oh yes. Yes.]" Lahat kami ay hindi nagpatinag sa aming mga kinauupuan habang pinapanuod ang explanation ng daddy ni Hope.
Naiintindihan ko na ngayon. May naisulat rin kasi si Hope na note sa likod nubg bondpaper na nakasipit kanina.
What if ganito rin yubg effect sa zombies? What if yung subject si Zombie A tapos yung nakagat ni ZA, magiging ZB (Second line. Decreased by 5%)
Kung hindi mae-eliminate yung nasa first line, hindi mababawasan ang nasa second line.
We need to conduct research about this.
Kailangan ko munang sabihin sa kanila yung nalalaman ko.
Alam na namin ang nalalaman mo Hope. Tutulungan ka namin.
Umakyat ako sa third floor para hanapin si Hope kaso I think I'm already late.
Nawawala na si Hope...
BINABASA MO ANG
HOPE
Adventure✔️Completed Diary ng makulit at madaldal na babae sa gitna ng Zombie Apocalypse kasama ang pusa nyang bundat na si Meng. Date started: March 9, 2018 Date ended: March 23, 2018 Highest Rank achieved: #41 in ADVENTURE