Hope's POV
Kasama namin ni Xyna sa kwarto si Meng. :> syempre sakin sasama 'tong pusa ko no. Si Beng, kasama ni Kian at Leo na kambal ni Erika na pinsan ni Xyna. (Gets nyo? hahaha)
Ginising ako ni Xyna dahil every morning 'daw' may meeting na magaganap. Pumunta kaming tatlo nina Meng at Xyna sa sala tapos naghintay pa kami nung iba naming kasama. Agad rin namag dumating si Kian together with Beng tapos tumabi sakin.
Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon...
Tumayo si Xyna para magsalita. Nako, alam nyo bang proud ako dito sa bespren kong 'to? Isa kasi sya sa mga tumatayong leader at ate sa #TeamSurvivors namin.
"Everyone, as you can see, safe tayo dito sa rest house nila Joanne dahil na rin sa maayos ang paligid at secured. Ang badnews nga lang, bobombahin nila ang Luzon para mai-clear na yung area. Ang mga survivors na manggagaling sa Luzon ay kailangan magevacuate sa Visayas or Mindanao." Announce nya. So this means kailangan na naming umalis dito as soon as possible?
"We have an undrground basement. Pwede tayo dun kaso magkukulang tayo sa food supplies." Tama si Joanne. Pwede kaming mag stay dun sa sinasabi nyang underground basement nila kaso yung pinagkukunan namin ng pagkain, naka tanim. Pag binomba 'to, for sure walang matitirang living thing.
Pero paano kung sabihin ko na—no! Kailangan ko munang humanap ng atleast prevention para dito. Kung ipagtabuyan man nila ako dahil daddy ko ang may kasalanan, at least nakatulong ako sa kanila bilang kaibigan. Para na rin sa safety nila.
Nag excuse ako sa kanila tapos bumalik ako sa kwarto namin. Kinuha ko yung phone ko tapos nagkulong sa cr.
Puro video files ang nakasave sa flashdrive. Akala ko nga, wala na talagang kwenta yung effort ko pero pinanuod ko isa-isa yung videos.
Yung Day 5, dun nila sinimulang maginject sa subject ng kung anu-anong 'Human Enhacement' sana naman naglagay sila kahit neutralizer lang ng mga chemicals nila.
Nakapaloob naman sa Day 9 yung mga paper works ni Dr. Alcantara na vinideo ni daddy. Doon din nakalagay yung Intelligence Line ng subject.
Kung ang subject ang main line, magiging second line yung mga anak nung first line. Mababawasan naman ang pagiging enhanced ng Lines by 5%
Paano kung ganito rin sa mga zombies?
For example, si subject yung zombie A na nasa First Line. Kumagat sya ng tao kaya naging zombie rin ito. Yung nakagat ang magiging zombie B. Yung makakagat ni zombie B, magiging zombie C. Gaya dun sa explanation ni daddy, mababawasan sya by 5%.
Paano kung ito na ang solusyon sa problema ng sangkatauhan?
BINABASA MO ANG
HOPE
Adventure✔️Completed Diary ng makulit at madaldal na babae sa gitna ng Zombie Apocalypse kasama ang pusa nyang bundat na si Meng. Date started: March 9, 2018 Date ended: March 23, 2018 Highest Rank achieved: #41 in ADVENTURE