Hope's POV
Parang binuhsan ako ng isang batyang malamig na tubig sa narinig ko. Nakangisi nyang ibinabalandra sa pagmumukha ko ang flasdrive ni daddy.
"Tell me honestly, Hope. May balak ka pa bang sabihib sa amin ang tungkol dito?" Tanong nya. Mababakas mo rin ang panggigigil nya sa bawat salitang binibigkas nya.
"O-Oo naman. Tumityempo lang ako..." Lumapit sya sa tabi ng pool. Balaka ata nyang ihulog yung flashdrive shit!
"Ihuhulog ko na ba 'to para wala silanf makitang ebidensya?; pero pahirapan nga lang sila sa pagkuha ng lead or... Ibibigay ko 'to sayo but you have to speak about this, first thing in the morning. Choose Hope. Choose wisely." Argh! May sapak 'tong babaeng 'to!
Pag hinayaan kong mahulog yun sa pool, hanggang mamatay ako kukulitin ng konsensya ko.
Pag naman umamin ako, they'll have the lead pero itatakwil nila ako.
Inisip ko ng mabuti ang isasagot ko. Any time, pwedeng magsalita si Yiela.
"Ibigay mo sa akin iyan. Aamin na ako bukas." Sabi ko.
Nilapitan nya ako saka iniabot sa akin yung flashdrive.
"Good night Hope. Sweet dreams." She kissed me good bye bago bumaba pabalik sa second floor. Nababaliw na sya! I hate her!
Goodluck nalang sa akin bukas.
...
"Hoooope gisiiing!" Binuksan ko ang aking mga mata. Halos lahat sila, naka kwarto namin ni Xyna. Anong meron?
"Nakita ka ni Xyna na natutulog sa gilid ng pool—"
"Hinimatay nga sya!" Pagtatama ni Xyna kay Vince. So nahimatay pala ako kagabi? Panaginip lang kaya yug paguusap namin ni Yiela?
Hinanap ng mga mata ko si Yiela at hindi naman ito nabigi. Nakangiti sya sa akin habang nakaupo sya sa may sofa.
Kung totoo yung nangyari kagabi...
"Nasaan yung flashdrive?" Nagtatakang nagtinginan silang lahat maliban sa lima— si Kian, Carlo, Adrien, Raffy at Jordan. Seryoso lang silang nakatingin sa direksyon ko.
Mukhang may alam na sila sa nangyayari.
"Guys, may importante akong sasabihin sa inyo..." Naaninag ko si Yiela na tumayo saka naglakad papunta sa direksyon ko.
"Go on. Spill it..." Leche ka! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Mamatay ka na!
"A-Ang daddy ko ang nagsimula ng apocalypse—"
"What the fuck?!"
"Seryoso ka?"
"Oh my! You and your absurd father, go to hell!"
"All this time, Hope? All this time, niloloko mo kaming lahat?! Ha?!" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang pumatak dahil sa mga binabatong salita ni Kian.
"Hindi! Hindi ko kayo niloko! Tinago ko muna—
"Tinago mo for what? Ha? Para mag-enjoy sa nangyayari sa paligid mo? Kasi akala mo, cool tingnan? Gago ka ba?!" Sigaw ni Kian. Hindi ko na kinaya ang sakit ng mga salita nya kaya hindi ko na nagawang sumagot pa.
Umalis silang lahat sa kwarto pagkatapos ng pagsasalita ni Kian. Pati na rin ang bestfriend ko na inaasahan kong dadamay sa akin, iniwan na rin ako. Tanging ang pusa ko na lang ang natira sa tabi ko.
Walang hiya kasi yung babaeng yun! Kung hindi nya kasi ako kinausap kagabi, hindi 'to mangyayari! Argh!
![](https://img.wattpad.com/cover/141297842-288-k705060.jpg)
BINABASA MO ANG
HOPE
Adventure✔️Completed Diary ng makulit at madaldal na babae sa gitna ng Zombie Apocalypse kasama ang pusa nyang bundat na si Meng. Date started: March 9, 2018 Date ended: March 23, 2018 Highest Rank achieved: #41 in ADVENTURE