Hope20

163 16 0
                                    

Hope's POV

Huminto ang bus nang mapansin nilang bumabagal na ang takbo ni Wigo. Flat na pala yung gulong. Napagpasyahan namin ni ninjabui na dun nalang kami sa bus sumakay para sama sama kami sa adventures (daming knows)

Pagpasok namin ng bus, sinalubong kami ng nag gagandahan at nag gagawapuhang mga mukha ng Citadel High. Yiee.

Hindi ako naging komportable sa buong biyahe. Bakit? Anak pusa! Ang harot harot ni Kian sa likod. Di nalang nya ako gayahin, sitting pretty katabi si Xyna.

"Oy hope! Hinayhinay lang te! Anong meron bakit nanggigigil ka jan? Hahaha" Inirapan ko si Xyna tapos lumipat ako ng pwesto sa may bandang gitna.

Ano ba Hope! Hindi ka nagseselos! Aba teka nga! Sino bang may sabi na nagseselos ako?! E hindi naman kasi!

"Huy!—"

"Hindi nga sabi! Ang kulit!" Napaatras sya sa biglaan kong pagsigae tapos tinawanan din ako. Baliw ata 'to.

Teka. Eto pala yung lalaking singkit kanina e.

"Kalma lang kasi miss. Hahaha. Okkinnai Hatsuho. And yes, I am a Japanese citizen." Okkinnai? Ang baduy hahaha.

"Any nicknames or what?" Tumawa ulit sya sa sinabi ko. Alam nyo, konti nalang, iisipin kong may sapak 'tong Japanese na 'to!

"Kinn nalang. Nga pala, ako yung owner nung asong dala nyo kanina." Nginitian nya ako habang ako naman, napakunot ang noo. I don't believe you po :>

"Sandwich?" Alok samin nung babaeng kulot tapos maputi— no, scratch that. Maganda sya!

"No thanks. Ikaw miss, you want?" Umiling ako bilang sagot. Umalis na sa gilid namin yung babae bago itinuloy ni Kinn yung sinasabi nya.

"If I'm not mistaken, yung aso ko ay may balat sa bandang tyan nya na hugis butterfly." Pagtutuloy nya. Nilingon ko ai Kian sa likod na ngayon ay nilalaro si Beng.

There it is! Nakita ko na yung balat after eyeing Beng for a while. Agad mong mapapansin yun kasi malaki yung balat nya.

"Yes, you're right. Hope nga pala. Hope Ramos." Inabot ko ang kamay ko sa kanya para makipag-shakehands— which is different from what he did. Nag bow sya sa harap ko. Oo nga pala. Japanese 'to.

"Hope! Halika dito."  Tawag sa akin ni Xyna. Iniwan ko muna si Kinn para puntahan kung ano mang meron sa harapan.

"Any plans?" Tanong nung nagda-drive. Uhm... Miski ako, walang plano. Well... Except dun sa maliligo ako.

~~~
Puro POVs muna guyseu. Nagreklamo yung babaeng kulot e JoyceAnneCanlas07halooo hahaha

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon