Hope's POV
"Sa huling street, kumanan ka." Sabi ni Joanne. Sya yung nag alok ng pagkain kanina and we're planning to go to their rest house. Mayaman si ate guuurl!
Sa di kalayuan, natanaw na namin ang rest house nila Joanne. Safe daw kami dito dahil napaliligiran ito ng mga malalaki at matataas na sementadong bakod.
Ayon kay Joanne, pamilya nya lang tsaka yung apat nilang care taker yung nakakapasok. Mataas ang security system nila dito dahil gate pa lang nila, kailangan na agad ng passcode.
Nang magkaroon kami ng access sa loob, nagbukas na yung gate. Bumungad sa amin ang three-storey house nila Joanne na puting puti ang kulay.
"And... Welcome sa aming rest house." Sabi ni Joanne. Huminto ang bus sa tapat nung main door kaya bumaba na kami.
Nagtungo si Joanne sa may pinto tapos nag type ulit ng passcode. Sabi sa inyo RK si ate gurl e!
Pagpasok naman namin sa bahay nila, halos lahat kami ay bagsak sa upuan dahil sa pagod. Ilang araw na ba 'to mula nang magsimula yung zombie apocalypse? 4 days? 5? Maybe a week.
"May nine rooms 'to guys. Tatlo per floor. Pumili na kayo ng room nyo then mag-ayos na muna tayo ng mga sarili natin. After that, magtipon-tipon ulit tayo dito." Announce ni Joanne.
Aakyat na sana ako papunta sa third floor dahil presko dun. May open space kasi yung part na may pool. Bago pa man ako makapunta sa hagdan, pinigilan ako ni Kian.
"Hopeya..." Wow! Buti pala naaalala pa nyang nage-exist ako sa planeta nila. The heck! Kanina pa nya ako dinededma tapos pagdating dito, close kami. Ano 'to? Lokohan?
"Saan ka pupunta?" Binigyan ko sya ng 'Anong-problema-mo' look.
"Pupunta ako sa taas. Tatae ako. Sama ka?" Sarcastic kong sagot. Napabuntong hininga sya tapos bumitaw na sya sakin. Ano ba talagang problema mo, Kian?
"Look, I don't trust them like what you're doing right now so please... Just fvckin' stick with me. Okay?" Huwaw! Huwaw talaga! Oo Huwaw! Nakasinghot ba 'to ng katol kaya nag english bigla?
"Kung yung trust na sinasabi mo ang makapagliligtas sa akin, talagang pagkakatiwalaan ko sila. Kian, can't you see our situation? Nasa gitna tayo ng isang zombie apocalypse and they're trying to help everyone. Hindi pa ba sapat yun sayo?"
"Hop—"
"Wala na tayong ibang choice Kian! Why can't you just freaking understand that?!" Kinuha ko ang gamit ko na nahulog tapos nagsimula na akong umakyat.
...
Matapos kong maligo, kinalkal ko yung gamit ko. Pinili ko yung favorite kong t-shirt na turtle neck tapos nag black na leggings nalang ako.
Pero ano 'tong nalaglag?
BINABASA MO ANG
HOPE
Adventure✔️Completed Diary ng makulit at madaldal na babae sa gitna ng Zombie Apocalypse kasama ang pusa nyang bundat na si Meng. Date started: March 9, 2018 Date ended: March 23, 2018 Highest Rank achieved: #41 in ADVENTURE