Hope29

122 13 0
                                    

Hope's POV

Close na kaming lahat dito. Pati si Kian na may condom issues— este trust issues, kabarkada na lahat ng lalake. Ako naman, kaibigan na lahat maliban kay Yiela.

Ewan ko ba dun bakit ang sungit. Tuwing lalapit ako, aalis na agad sya. Baka alam nyang dadaldalin ko sya? Hahaha

Nang makaramdam ako ng antok, natulog muba ako sa sofa. Ang presko kasi dito e.

...

"Hey, wake up."

"Hope, wake up."

"Kikilitiin kita pag hindi ka bumangon." Naimulat ko ng wala sa oras ang mga mata ko. Malakas kaya yung kiliti ko!

Ang bumungad sa harapan ko ay si Seyjer. Eto yung boipren ni Erika. Partner ko tuwing kumakain at mukhang alam ko na kung bakit ako ginising neto.

"Kain tayo. Nagugutom ako e." Sabi nya. Ang sarap na ng tulog ko kanina, ginising pa ako.

Sa bagay, mas masarap kumain kesa matulog

Pumunta kami ng kitchen at nakasalubong namin si Yiela na umiinom ng gatorade. Kakatapos lang siguro nito magwork out.

"Uy Yiela, sama ka? Kakain kami." Umiling agad si Yiela sa alok ni Seyjer habang ako, kumukuha ng isang galon ng Wiggies ice cream.

"May problema ba si Yiela? Parang nagiging Atlas na sya sa paningin ko e. Pasan pasan na ata yung buong mundo kaya laging nakabusangot." Sabi ko bago sumubo ng ice cream. Ang hirap kaya nung ganon. Yung nasa isang bubong lang kayo nung taong may issue or galit sayo.

"Sa pagkakaalam ko, masiyahin yan noon bago magkaroon ng zombie apocalypse. Hindi ko nga lang alam kung ano nang nangyari dun." Sabi nya tapos sumubo na ulit ng ice cream.

...

Mabilis lumipas ang oras. Gabi na naman pero hindi parin ako inaantok. Tulog na si Xyna at feeling ko, ako nalang yung gising sa mga oras na 'to.

Pumunta nalang ako sa may gilid ng pook para makapag isip isip. Sinundan na rin ako nung pusa kong bundat tapos humiga sa may paanan ko.

I can no longer keep my secret.

"Alam ko ang tinatago mo, Hope Ramos." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Alam ko rin ang laman ng flashdrive ng daddy mo, Hope." Nilingon ko kung sino man yung nagsasalitang yun.

Si Yiela...

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon