Hope33

136 16 0
                                        

Hope's POV

Una naming pinuntahan yung kwarto ni Asha. She's pretty yet simple. Ayon sa mahulang nya,  Asha is a very loving daugter at napakamasunurin din nito.

Next is Janen Mari, aka. JM. Anak sya ng present CEO ng Caliber Design. Yaya nya lang ang kasama nya kanina sa room nya.

Joeny is just a simple girl living in a city. Sabi nung nanay nya, Joeny is a scholar from Citadel High.

Marami kaming binisita— Adrien, Carlo, Seyjer, Xyna, Joanne, Lorez, Vince, Leo, Raffy, Yiela, Kinn at Jordan. Lahat sila, pare-parehas ng kalagayan.

Yung huli naming binisita ay lalaki. Kian yung pangalan nya. Habang tinititigan ko yung itsura nya habang nakahiga sya sa hospital bed, may image akong nakita. I think naghahallucinate lang ako.

     Nagdadrive si Kian ng kotse na Wigo habang ako, nakasilip sa bintana ng sasakyan habang bumabaril.

Weird diba?

Bumalik kami ni Mommy sa kwarto ko tapos naglabas sya ng apat na... Gifts?

"At dahil three years kang coma, three birthdays na rin ang na-miss mo. Here's your gift anak. Happy 19th birthday Hope!" Bati ni mommy at daddy. Birthday ko pala ngayon, ni hindi ko man lang naalala kung anong araw na ngayon.

Binuksan ko yung gift ko nung mag-16th birthday ako. Isang journal na navy blue tapos may nakasipit pa doon na note galing kay daddy na: I miss you Princess. Wake up na Hope.

Yung gift ko naman nung nag-seventeen ako, bagong cellphone! Yaay!

Nagtataka lang ako bakit nung inalog ko yung birthday gift ko nung 18 ako, parang pagkain? Pagbukas ko, cat food.

Itinatakwil na ba ako ng mga magulan ko? T^T

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at dumating si Patricia, pinsan ko, na may dala-dalang pusang mataba. Ang cuuuute!

Last gift na yung bubuksan ko. Ang bigat ha?

Pagbukas ko...

"Daddy! Tsk! Bakit naman baril yung niregalo mo sa anak natin!"  Sermon ni mommy kay daddy. I can't believe it! A real gun!

"Promise mo, gagamitin mo lang yan sa emergency?" Tumango ako ng mabiliq tapos ininspeksyon yung baril.

"Insan, ano palang ipapangalan mo dito sa bundat na 'to? Tagal na nito samin e, wala paring panga—"

"Meng" Nagulat ako sa sinabi ko. Parang dati ko nang binabanggit yun kahit wala pa si Meng.

"Ang bilis ah? Hahaha." Tinago ko yung baril ko sa favorite shorts ko tapos sinenyasan si Pat na iabot sa akin si Meng.

Nang mahawakan ko yung pusa ko, doon na bumalik lahat ng nangyari sa akin.

~~~
Sorry sa late update. Pinaplantsa ko na kasi yung ending tsaka yung bridge para sa book 2. Mianhaeyo~

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon