Hope's POV
Tinapos ko na ng pagsusulat sa diary ko dahil may napansin akong tao sa may entrance tapos kinakatok pa yung pinto. Akala ko nga zombie e.
Sa wakas! Nakabalik na rin si ninjabui. Akala ko forever na sya dun sa sm :(((
Tumayo ako para pagbuksan sya ng pinto kaso habang papalapit ako, hindi si ninjabui ang sumalubong sakin.
Shit
Dali dali kong binuksan ang pinto at inilabas nito ang isang poging nilalang ♥.♥ agad ko naman itong ikinandado para hindi makalabas si Meng.
"Kuya okay ka lang?" Nagaalala kong tanong. Umiling sya saka hinubad ang leather jacket nya. May kagat sya omo! Eottokhae?!
Lumayo ako sa kanya saka pumunta sa bag ko. Kinapa ko yung pistol nang patago pati na rin yung radyo. Binuksan ko yun tapos pinindot yung button para marinig ako ni ninjabui.
"H-Huwag kang lalapit!" Sabi ko. Lumalabas na yung mga ugat nya sa leeg at sa ulo. Tumitirik na rin yung kanang mata nya. Nakakatakot.
Bago pa man sya makalapit ng tuluyan, kinalmot na sya ni Meng para makuha ang atensyon nito. Buti nalang matalino 'tong pusa ko.
Habang napunta kay Meng ang atensyon nung poging zombie, ikinasa ko ng mabilis yung baril.
"Gruuugh" Sakto namang paglingon nya ay ipinutok ko na ang baril sa ulo nya.
"Hello?! Hope?! Ayos ka lang jan?! Papunta nako, don't worry!"
Nanginginig ang kamay ko habang unti unting bumabagsak ang katawan nung lalake.
Hindi. Inosente ka. Self defense lang yung ginawa mo.
"Meooow" Nilambing ako nung pusa ko habang eto ako, umiiyak. Nagiguilty ako sa ginawa ko. Pero... Kung hindi ko ginawa yun malamang sa malamang, zombie na rin ako diba?
Kalma Hope. Parating na si Kian.
BINABASA MO ANG
HOPE
Adventure✔️Completed Diary ng makulit at madaldal na babae sa gitna ng Zombie Apocalypse kasama ang pusa nyang bundat na si Meng. Date started: March 9, 2018 Date ended: March 23, 2018 Highest Rank achieved: #41 in ADVENTURE