DHF 28

3.6K 95 5
                                    

Nica's POV

Nakatulog kami sa ganong posisyon. I mean ako lang pala

"Anong oras na ?" Tanong ko kay justin

"Time to gala na, susulitin ko na ngayon babe" sabay kindat sakin

"Saan ba tayo pupunta para alam ko susuotin ko" ako

"Saan mo ba gusto?" Tanong niya pabalik

Kahit saan naman pwede. Pero mas magandang lumamon

"Jollibee please" sabi ko medyo pabebe

"Anything for my babe" landi neto

So ayun wag na daw ako magbihis kase fastfood lang naman daw yun. Saka ang cute ko daw sa suot ko.

"Alam mo bang sa lahat ng nagkakagusto sakin ikaw yung pinaka maeffort" sabi niya

"Wow napansin mo pala" ako

"Sa lahat ng nanghahabol sakin ikaw yung jinowa ko" habol niya

"Ako pa nga nanligaw sayo hirap mong ligawan" ako

"HAHAHAHA oo nga no? Pero linigawan naman kita isang beses sinagot mo na ako agad. Wala pang ka hirap hirap"

Naalala ko pa noon nagulat ako kase sinurprise niya ako. Liligawan niya daw ako nun pero sinagot ko na agad.

Crush mo na nanligaw sayo edi sunggab na agad

"Pasalamat ka hindi kita pinahirapan nun"

"Hindi ko nga alam nun kung matutuwa ako oh hindi eh kase bigla ka nalang umoo" sabi niya

"Ganon ka ba kainlove sakin nun? HAHAHAHA" Habol niya

"Andito na tayo" masiglang sabi ko

"Oh wag mong ubusin laman ng wallet ko ha?" Sabi niya

"Mayaman ka naman ayos lang yan" ako

"Oorder lang ako ng foods, yung gaya dati?" Tanong niya

"Oo naman, damihan mo ha" ako

Dumating na order namin

Para na kaming mag jowa talaga kung titignan

"Oh nabusog kaba?" Tanong niya sskin

"Ako pa ba?" Sabi ko

Andami niya pang joke bago kami makasakay sa sasakyan niya.

Para kaming tanga na hagalpak ng hagalpak

Hinatid niya na ako sa bahay na ligtas

"Bye Nica" sabay flying kiss hahaha. Abnoy talaga

Nathaniel's POV

"Bakit hinahayaan mong magkasama mga yun?" Tanong ni Kenneth

"Hayaan mo na mamaya ako naman maghahatid pauwi" ako

"Mukhang close na close sila pare oh" asar ni Patrick

"Sabihan mo lang kami pag kailangan mo ng resbak ha" patrick

"Resbak ka jan" ako "Kaya ko namang painlovin si Nica ng walang tulong nyo eh"

"Bakit di mo ginawa dati?" Tanong ni Kenneth

"Malamang pinopormahan mo siya, tapos busy na siya nung binusted ka nya" ako

Pumasok na kami sa room

Binati naman agad ako ni Yassy

"Hi Bf" bati niya

"Bf ka jan" sabat ni Carla

Die Hard Fan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon