DHF 37

3.5K 55 17
                                    

Nathaniel's POV

Andito na ako sa bahay nila Nica , naghihintay na magising siya. Ang aga niya naman natulog pero bakit ang bagal niya bumangon. No matter what, aayusin namin 'to.

"Bakit LQ ba?" Pabirong tanong ni Ethan

"Oo eh"

"Alam mo? Mahirap mahalin kapatid ko. Hindi yan nagsasabi ng totoo. Kahit masira pa relasyon niyo. Kaya dapat lagi kang nasa side niya para walang masamang mangyayare kase kung may meron kayong hindi pagkakaintindihan. Wala na"

"Tinatakot mo ba ako? I want her to explain her side at may itatanong lang. Anong wala na?" Medyo inis na ako. Alam ko namang mas kampi siya kay Justin pero tangina

"Clue nalang ibibigay ko, mga isasagot niya sa tanong mo mamaya walang katotohanan. Meron sigurong totoo pero kakaunti"

"Kahit ba sayo nagsisinungaling siya? " tanong ko

"Hindi, kuya niya ako at mas malakas ako sakanya kaya hindi niya magagawa sakin yun"

"So mahina ako ganon?"

"Parang ganon na nga, sige na alis muna ako. Pag pinaalis ka niya alis ka nalang para walang mabasag na gamit okay?"

Mas lalo niya lang pinagulo isip ko eh.

Mga ilang minuto lang lumabas na si Nica.

"Good morning" bati ko na may kasamang ngiti

Mas talaga siyang maganda pag bagong gising.

"Morning" wala man lang good? O wala lang siya sa mood.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin. Relax lang Taniel hindi ka niyan kakainin. Pero pwede rin

"Syempre dinadalaw ka"

"Bakit patay ba ako para dalawin mo? Diba galit ka dapat, anyare?"

Oo magagalit dapat ako pero tangina bakit hindi ko magawa

"May dapat ba akong ikagalit?"

Meron ba dapat? Nics

"Ewan ko sayo"

Waaaah ang cold niya saken bakit?

"Okay ba tayo?"

Tama ba yang tanong ko?

"Bakit nag away ba tayo? May ginawa ba ako or ginawa ka para mag away tayo?" Sabi niya

So okay pala ang tawag niya rito. Okay

"Ikaw meron ako wala" sabi ko bigla naman siyang umirap.

Tama ba nasabi ko? Tama lang naman ata eh niyakap niya si Justin.

"Ano bang sinabi sayo ni Yassy?"

Bakit alam niyang si Yassy nagsabi sakin. Magka kuntyaba ba sila? O nagseselos talaga siya

"Bakit ka naman kase mag seselos sakanya. Bestfriend ko lang yun"

"Ano mo ako?"

Girlfriend kita Jusko naman.

"Girlfriend kita, kaya dapat ako lang lalaki sa buhay mo"

"Hindi pwedeng ikaw lang Nathaniel kase marami akong ka close na lalaki. Hindi maiiwasan makipag usap and may kuya at Papa ako"

Wtf! Pagdududahan ko na ba sya nito? Pano kung totoo yung sinabi ni Yassy. Hindi niya pa nagawang magsinungaling sakin.

"Eh madaya, ikaw nagseselos kay Yassy ako hindi pwede? Kayakap mo pa nga si Justin"

Die Hard Fan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon