DHF 34

3.4K 53 6
                                    

"Sinong mag on?"

"Si Nica at Taniel" diretsong sabi ni Jessy

"Finally, sila na. Nakakakilig" singit ni carla

Ramdam ko ang pekeng ngiti ni Yassy. Kahit hindi ko siya laging kasama alam kong tutol siya sa anumang ugnayan namin ni Nate. Naalala ko noon pinaiwas niya pa ako. Ngayon? Wala akong magagawa mahal ko eh.

Hindi namin kailangan ang approval nang kahit na sino. Hindi sila yung nagmamahal.

"Kailan pa?" Halatang bwesit na siya sa mga natuklasan niya

"8 days ago daw" sabi ni Kevin

"Hindi ko alam na may chance palang maging kayo. Type ka pala nitong bestfriend ko Nica. Kala ko kase joke niya lang yung sinabi niyang liligawan ka niya" sabi ni Yassy

Tinignan ko si Nate pero nakikinig lang siya

"Oh sila na nga eh, edi walang joke dun" sabi ni Patrick

"Oo nga wala ngang joke dun, pero parang ambilis naman ata? Nung si Kenneth nagtanong na manligaw basted agad. Pero nung si Taniel sinagot niya agad. Baka matagal mo na talagang gusto ang bestfriend ko?"

Alam kong ayaw mo sakin. Pero pano mo nagagawang mag salita nang ganto sa harapan namin? Grabe kung nakakaintindi siguro yung mga dumadaan kanina pa kami pinag chichismisan.

"Ano naman yun sayo?" Sabi ko sakanya

"Matagal ko na siyang gusto, sobrang tagal na. May magagawa ka ba?"

Nagwalk out nalang ako. Alam konv mag titime na rin naman kaya mas mabuting pumunta na ako mag isa sa room ko. Hindi ko naman sila kaklase. At wala na rin si Justin. Mag isa nanaman ako sa room.

From Nate:

Sana hindi mo nalang sinumbatan. Nashock lang siguro yun.

Pinag tatanggol huh. Siguro sobrang close nilang mag bestfriend.

To Nate:

Parang nang iinsulto kase eh, hayaan mo sa susunod hindi ko na papatulan.

Pagkasent ko nang message nag buzzer na. Ibig sabihin time na kaya hindi na kami makakapag texan.

Alam kong hindi madaling matatanggap ni Yassy na kami na talaga ni Nate. At hindi ko rin papansinin kung ayaw niya sakin. Ayaw ko rin sayo.

Madali lang natapos yung klase ko kase walang masyadong ginagawa.

Paglabas ko nang pinto ng room namin nandun na agad si Yassy. Anong ginagawa nun dito? Bakit wala yung iba pa naming kasama?

"Mag isa lang ako, huwag kang maghanap nang kasama kase busy sila sa group activity" mahinahon niyang sabi

"Group activity mo mukha mo." Syempre sa isip ko lang yan

"Ikaw, wala ka bang group activity? Bakit ka nandito? Gusto mo na ulit ako makaclose?" Tanong ko sakanya alam kong mamasamain niya na 'tong klase nang pagsasalita ko.

I don't care.

"Bakit? Masama bang kilalanin ang boyfriend nang bestfriend ko? Sobrang open kase natin eh gusto kita makaclose. Btw, huwag mo kung ginaganyan kase kayang kaya kitang gawing ex niya nalang"

Sobrang open pala, bakit gusto pang iclose. Mali nga ako nang pagkakakilala ko sa babaeng 'to. Ganto na ang kutob ko dati pero nag bait baitan 'tong isang ito.

"Wow nakakatakot ka naman, talaga? Sige nga"

"You know what? , ayokong idown ang level ko sa kagaya mong warfreak. Kikilalanin lang kita ganyan ka na makaasta. You don't deserve him" may halong pag kainis na sa boses niya. Well inis na ako.

"Ayaw mong ibaba ang level mo? Pero pumapatol ka sa mga sinasabi ko? Kung di ko siya deserve, bakit deserve ka ba niya? Tagal niyo na atang naging mag kaibigan ah. Anyare hindi ba nag lelevel up status niyo?" Sabi ko sabay irap. Sorry huh warfreak ang lola niyo.

"Watch your words, yung relasyon niyo? Mawawala din lang agad. Curious lang siya kaya siya nakipag relasyon sayo. As if namang tatagal kayo. Sakin parin ang bagsak niya, sakin lang" mariing sabi niya.

Yung mga mata niya na nagsasabing maniwala dapat ako sakanya. Well yassy let's see? Play with your dirty cards. I don't care at all.

"Okay sayo ang bagsak niya, sabi mo eh" nginisian ko siya bago tumalikod.

Nagulat naman ako sa sabunot niya. Tinulak ko lang sya para hindi masyadong magulo ang buhok ko. Kinulot ko pa 'to kanina hindi pwedeng masira lang dahil sa sabunot niya. Ang aga ko nagising para lang dito.

"Hey, wag muna ngayon pwede? Kakakulot ko lang oh, bukas nalang kase sayang pinaghirapan ko to kaninang umaga"

"Bwesit ka talagang babae ka, kakalbuhin kita. Pakielam ko sa buhok mo?"

"Sabi ko wag ngayon, set mo schedule saka huwag sa madaming tao malalaman nila na iskandalosa ka. Ayaw ko nun"

"Hayop ka talaga nakuha mo pang gumanyan. Ang sabihin mo hindi moko kayang talunin kaya andami mong excuses"

"Akala ko ba ayaw mo nang idown ang level mo? Bakit parang ako pa ata ang nag tataas sayo kase feel ko ang baba-baba mo na."

"Bakit nahihiya ka bang matalo? Huh?"

"Bakit ako mahihiya, eh gawain ko sa Pinas 'to? Hobby ko nga ata eh. Ayaw ko lang na mapahiya ka. You know? Concern ako."

Sasabunutan niya na sana ulit ako pero agad kong nahawakan yung kamay niya. Pinilipit ko ito habang nagsasalita ako

"Sabi kong huwag ngayon kase kinulot ko pa buhok ko, gusto mo nang away? Iset mo yung date at venue. Sigurduhin mo lang na magaling ka ha... " naputol ang sinasabi ko dahil bigla siyang umupo at umiyak

"Taniel, sinasaktan ako nang girlfriend mo. Sabi niya layuan daw kita kase selos na selos siya kase masyado tayong close. Huhuhuhu"

What the hell? Ang drama niya huh. Yun palang nagagawa ko ganyan na agad siya.

"Anong ginagawa mo Nica?!" Halatang nagpipigil galit si Nate sakin. Taenang yan.

"Pinilipit ko kamay niya, tapos umopo at umiyak pa." Bumaling ako kay Yassy. Alam kong nandito sila Jessy at iba pa.  Wala na akong pake

"Huwag ka ngang gumawa ng eksena, mag hahamon hamon ka diyan tapos iiyak ka? Duwag mo naman" alam kong nakikinig lang yong mga kaibigan namin. Walang may gustong mangielam dahil wala namang nakakita ni isa sakanila yung totoong nangyare.

"Sabay ka ni kila Jessy pauwi, ihatid ko lang 'to mag usap tayo mamaya" sabi ni Nate

"Dala ko kotse ko, wag ka mag alala uuwi akong ligtas. Sila nalang pasabayin mo sakin" sabi ko sabay walk out.

Hindi ako mahilig mag makaawa para pakinggan side ko. Hindi ako mahilig sa ganon. Ayaw ko nang ganon mukhang kawawa.

Ramdam ko ang pag sunod sakin nung dalawa hinayaan ko lang. Badtrip ako ngayon.

"Anong nangyare?" Yaan agad ang bungad ni Carla

----

Heeeeyyy. Ayan na update. Buti sinipag ako. Pero maikli lang yan. Enjoy reading. Vote nyo na dali. Follow niyo din ako.

I LOVE YOU ALL

qt nyong author




Die Hard Fan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon