"Taniel, baka babalik na yun dito. Pinilit ata nila Carla eh" Kenneth
Dapat lang bumalik siya. Hindi ko man lang malaman ang dahilan kung bakit si Justin ang tinawag niya noon.
Naiwan ako sa wala. Dapat balikan niya ako kase mababaliw na ako rito sa kakaisip baka may asawa na siya.
Ako dapat ang asawa niya.
"Update mo nalang ako kapag andito na siya" ako
Hindi ko alam kung kikilabutan ako pag balik niya. Lalambot nanaman ba ako? Galit dapat ako.
Urrgggh paano ba ako nakatiis ng limang taon ng hindi man lang siya nakikita. Ano na kayang itsura niya?
"Okay pare, kasama niya ata si Justin" Kenneth
Justin nanaman. Bakit ba palaging may Justin simula't sapul.
"Tss"
Nag ring ang phone ko.
Tumatawag si Yassy
"What?" Yan ang bungad ko
Nagsisisi ako na siya ang sinugod ko noon sa ospital. Hindi ko alam na kailangan pala ako ng mahal ko. Hindi ko alam na siya pala ang nasaktan at walang kasalanan sa away.
At dahil diyan hindi ko alam kung kaibigan parin ba ang turing ko sakanya o isang taong kilala lang.
"Uhm can we meet? I miss you"
No way. I'm too faithful to my love ever since at kailan man hindi na ako humawak, sumama o humalik sa ibabang babae. Hindi na ako nag karoon ng chance maghanap ng iba. Masyado akong inlove sobrang lalim. Lunod na lunod ako.
Maski kausap na babae wala talaga depende nalang kapag sila Carla.
"I can't, alam mo namang hindi na ako pumapayag sa mga request mo diba?" Ako
Pansin ko rin na masyado na akong nagiging harsh kay Yassy. Anong magagawa ko? Mali yung mga paraan niya para makuha ako.
"I know pero sinusubukan ko parin kase mag kaibigan parin naman tayo diba?"
WE CAN'T BE FRIENDS
"Kaibigan mo mukha mo! Hindi ako nagkakaroon ng traydor na bestfriend" ako
"Taniel naman ang tagal na noon, hindi ka parin nakakamove on?"
Oo nga ang tagal na noon. Pero ang sakit parin ng impact sakin non.
"Pagdasal mo nalang na magkaayos na kami para makabawi ka man lang. Hanap ka na ng jowa mo, hindi ako pwede. May nag mamay ari na nito" ako
Sabay end ko sa call.
"Nathaniel ano ba? Bitawan mo nga ako. Masakit" Nica
"Masakit? Mas masakit yung iniwan ka ng hindi mo alam ang dahilan"
Naaalala ko yung kwento sakin ni Justin. Mahilig daw pala talaga mang iwan si Nica. Meron pa nga daw siyang jinowa hindi brineak iniwan nalang. Hobby niya na ba iyon? Bakit ginawa niya pa ulit sakin.
Hinila ko siya papuntang isang bench. Fuck ang lambot ng palad niya.
Tinignan ko siya at kita ko sa mga mata niya ang galit. May iba na ba ito?
"Anong sasabihin mo?" tanong niya sa akin
Ano nga bang sasabihin ko?
"Nica , bakit hindi mo sinabi? Yung kay Yassy?" mas lalong nalukot ang noo niya
"Anong kay Yassy? Hinayaan ko na kayo ah. Ipapamukha mo pa? Invitation nalang ng anniversarry niyo bigay mo. Aattend naman ako eh" sabi niya.
Bitter din ng isang to ah.
"Bakit hindi mo sinabing sinisira niya relasyon natin?"
"Kapag sinabi ko ba makikinig ka saakin? Sinubukan ko namang sabihin pero masyadong sarado utak mo. Kase ba mabait ang pagkakakilala mo sakanya hindi na sya makakagawa ng ikakasama mo? Pero para sa ikabubuti mo naman yun." siya
Ikakabuti?
"Ikinabuti ko ba noong iniwan mo ako? Kinausap mo man lang sana ako Nica. Limang taon naging miserable ako at alam mo ba kung ano ang lagi kong tanong? 'Babalik pa kaya siya?'. Iniwan mo ako na tayo pa Nica pano na ngayon? May iba ka na ba?"
Natahimik naman siya sa sinabi ko.
"Look Nate, I'm sorry.." sabay ngiti niya saakin.
Sino ba namang hindi maaakit. Bukod sa humihingi ng tawad tinawag niya pa ako sa pangalan na gusto ko.
"Baka hindi lang talaga tayo para sa isat isa" sya
"eh sino pala dapat? Para saakin? Hinintay kita. Hinayaan kita. Yung space na binigay ko Limang taon. Sabihin mo nga? Anong ginawa mo saakin at hindi ko man lang makaya magmahal ng iba?"
Drama ko shet
"Bakit? Wala naman akong ginawa. Kasalanan ko pang napaka loyal mo pala" siya
Oo loyal na gwapo pa.
"Bumawi ka sa kasalanan mo sakin" ako
"Oh sige, gusto mo ako? Edi ligawan mo ako" siya
Nope babygirl
"Pakasalan mo na ako bukas" ako
Shet kinikilig ako sa linyahan ko
"Bukas? Pwede ba pag free time ko nalang" siya
So payag na siya
"Hindi na. Wala ka namang work dito. Bukas na honeymoon agad. Huwag ka mawawala" Inabot ko sakanya box ng sing sing "Soot mo nahihiya ako eh"
Natawa naman siya
"Ang pula mo naman babee" siya
OMG BABE NABABADING NA AKO
"Babe pakiss nga miss na miss na kita"
The End
Boring no? I'm sorry po and thank you. Plano ko na nga pong idelete kase nawala po ako sa focus ng story. Hindi ko na maalala yung totoong ending kaya ginawan ko nalang. Thank you sainyo. Sa mga classmate ko thank you rin. Mahal ko kayong lahat.
BINABASA MO ANG
Die Hard Fan (Completed)
Teen FictionItong story na ito wala lang talaga ito eh. Trip ko lang mag upload. Di ko naman alam na may magbabasa eh. Kaya enjoy nalang. Ito ay story patay na patay na fan. Hahaha yun na yun