Prologue

14K 175 2
                                    

" ano ka ba?  Ang tagal mo naman dyan sa harap ng salamin. Malalate ka na sa simbahan nyan ah, "

Naiiling na wika ni Mike sa pinsan.

" sandali nalang,  okay?  "
Natatawang wika ni Noel na minsan pang sinipat sa salamin ang sariling repleksyon.

" Ewan ko sa iyo. Talagang Patay na Patay ka kay Sarah ano?  Sobrang excited kana sa kasal nyo.  "

" syempre naman, "  umalis na sa harap ng salamin si Noel at binitbit na ang coat na katerno ng kanyang tuxedo at humakbang patungo sa pinto.   " ang tagal yata bago ko napasagot yun. Nahirapan din akong kumbinsihin Siya na huminto na sa pag momodel at pakasal na kami. "  hinila na niya ang pinto ng kanyang silid.

" ang nagagawa nga naman ng pag Ibig. O, paano,  kita nalang tayo sa simbahan.  "

" sige.  "

Nagtapikan pa sa balikat ang mag pinsan na kapwa bumaba ng hagdan. Si Mike ay dumiretso na sa kanyang BMW,  habang si Noel ay sa silver-gray Jaguar nitong latest model.

Pagkuwa'y nag convoy na sila patungo sa simbahan kung saan magaganap ang kasal nila ni Sarah....  Ang babaeng laging laman ng kanyang puso at isipan.

Napapangiti nalang si Noel habang nagmamaneho. Naaalala niya ang unang pagtatagpo nila ni Sarah na sa umpisa pa lang ay naging mailap na sa kanya.

Sabagay,  Hindi naman nakakapagtaka iyon. Sikat na model sa Italy si Sarah,  hindi lang local ang mga naging karibal niya rito,  mga foreigner din na may sinasabi sa buhay.
Syempre na challenged Siya ng husto noon nang hindi Siya kaagad pinansin ng babae.

Siya,  si Noel El Salvador,  the most-saught after bachelor in town,  walang babaeng nakakatanggi sa kanya, tapos babalewalain lang Siya ng isang Sarah Francisco?

Well,  kailangan patunayan niya sa lahat na Siya ang pipiliin nito. At dahil naging makulit Siya at matiyaga,  sa wakas ay naging sakanya ang pag Ibig ni Sarah,  at ngayon,  patungo na Siya sa simbahan para sa kanilang kasal.

Lalong napangiti si Noel sa isiping iyon. Bahagyang dumiin ang pagtapak niya sa silinyador. Bukod sa naiinip na Siya na makarating sa simbahan,  natanaw niyang malayo na ang agwat sa kanya ni Mike.

Tumulin ang kanyang sasakyan,  nilampasan niya ang ilang kasabayang motorista. Malapit na niyang abutan ng kotse ng pinsan. Inabot ni Noel ang kanyang cellphone na nakapatong sa dash board at nag dial.

" Hello?  "

" Noel,  bakit?  "  takang tanong ni Mike mula sa kabilang linya.

" Well,  Akala mo ba,  mauunahan mo ako sa simbahan?  "  natatawang wika niya.   " heto na ako sa likod mo!  "

" Ha?  Noel,  ano ka ba?  Hindi naman ako nakikipag karera sayo, ah!  "

" alam ko, pero hindi ako Papayag na mauna ka pang makarating sa simbahan kaysa------ "
Natigilan Siya sa iba pang sasabihin nang makita niya ang malaking truck na kasalubong na biglang nag over take sa sinusundan nitong trailer.

" Shit!  "  kitang kita niya na pasalpok sa kanya ngayon ang naturang truck.   " No!!!  "
Mabilis ang reflexes na nakabig niya pakanan ang manibela.

Ngunit huli na,  nahagip na ng gilid ng truck ang tagiliran ng kanyang sasakyan,  lumikha ng nakakangilong ingay ang tunog ng nagpipingkiang mga bakal.

" Noel!!!  " sigaw ni mike mula sa kabilang linya na kitang kita sa rearview mirror ang nagaganap na banggaan sa bandang likuran nito.

Kitang kita ni mike na ilang ulit na bumaligtad ang kotse ni Noel bago sumadsad sa mataas na bangketa.

She is an IMPOSTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon