Janella's POV
Nang matapos na kameng kumain dumiretso na ako este kame nakasunod na naman kase yung alien sa kusina at naghugas na ako nakasandal lang sya sa pader habang nakapamulsa at nakatitig sa akin, pano ko nalaman? simple lang nung naglalagay ako ng mga plato na nahugasan ko na paglingon ko sa kanya ayun sa akin pala nakatingin. Kung ice cream ako for sure tunaw na ako sa kakatitig nya.
Tapos nung nililinis ko nalang yung lababo dahil nalagyan ng uling nung nilinis ko yung kaldero at kawali bigla nya akong niyakap back hug kase nakatalikod ako. Ano kayang trip ng alien na toh at pangyakap ng pangyakap?
Nang matapos ako sa paglilinis nagpunas ako ng kamay at hinarap sya
"Ano ba---" 😮 Shems!
di ko na natuloy ang sasabihin ko. Bakit? kase imbis magsasalita na ako pagharap ko sa kanya sumalubong sa akin ang malambot na labi nya. Ang lapit lang pala ng mukha nya sa akin.
packing tape scatch tape duck tape. LAHAT NG URI NG TAPE! JUSME! YUNG FIRST KISS KO!!! HYPE NA YAN!
😮 ganyan ang itsura ko daig ko pa ang tinamaan ng kidlat halos hindi ako makagalaw
BWISET talaga 😣
hala mommy daddy yung first kiss ko wala na 😭😭
Nang medyo di na blangko ang brain ko tinadyakan ko yung paa nya, ayun napahiwalay sa akin. nakaheels pa naman ako kaya ayan nasaktan sya bleeehhh 😝 buti nga! tapos padabog akong lumabas ng kusina wala narin sila kuya kanina pa umalis bukas pa ako nang umaga uuwi tutulungan ko pa kase si nanay maglaba.
Dumiretso ako sa kwarto at natulog
*after 5 hours *
Pagmulat ng mata ko kisame agad ang sumalubong sa paningin ko.
Tinitigan ko ng maigi ang kisame para kaseng may kung ano dun, nanlalabo pa naman ang mata ko kase kagigising ko lang.
Unti unti luminaw ang mata ko at tumambad sa paningin ko ang dalwang butiki, yung kanina, yung si mister butiki sinusuyo si misis nya.
Nanlaki ang mata ko ng magKISS sila! Jusme! kinusot-kusot ko ang mata ko pero ganun pa din tapos biglang lumakas ang tibok ng puso ko biglang pumasok sa utak ko yung kanina.
Hihikain ata ako, mabuti pa magpacheck up ako mamaya baka matuluyan ako netoh ng wala sa oras.
Dali-dali akong bumangon sa kama, muntik muntikan pa akong sumubsob sa sahig dahil sumabit ang paa ko sa kumot buti na lang nakahawak agad ako.
Pagbaba ko dumiretso ako sa likod ng mansion kung saan nagsasampay at naglalaba si nanay. Nadatnan ko dun ang mga damit na isasampay, inisa isa ko yung isampay."Nay!"
Tinatawag ko si nanay kase itatanong ko sana kung mamalengke na sya at sasama ako kase hello? ayokong maiwan dito kaso imbis si nanay ang makita ko si carlos ang lumabas ng mansion at lumapit sya sa akin.
"Wala si nanay namalengke"
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagsasampay ng mga damit.
Umupo sya dun sa malaking bato.
"sorry."
Di ko parin sya pinansin. Pagkatapos kong magsampay nagdire-diretso ako at nilagpasan ko sya hindi dahil sa galit ako sa kanya kundi dahil sa naiilang ako sa kanya. Dumating din naman si nanay tapos tinulungan ko syang magluto. Kumain na kame, napansin naman ata ni nanay na wala ako sa mood kausapin ang alien dyan sa tabi-tabi kaya di na lang sya nagsalita at nanahimik na lang. Nang tapos na kameng kumain naghugas na ako.
"Janella."
"may kailangan ka?" tanong ko.
umiling sya. "Sorry" nakayukong sabi nya.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (Original 2015) ✓
Teen FictionJanella was a strong but childish person. She always cared for others but never cared for herself. She always prioritize other people feelings than her own. Not until someone's broke her heart. Erick a happy go lucky person who doesn't cared for wha...