Chapter 43: Panic

10 1 0
                                    

Carlios Montes

Lahat ng tao sa bulwagan na paggaganapan ng kaarawan ko ay abala sa kanya-kanyang nakatokang gawain palibhasa ang punong abala ay si Mommy, sya lang naman ang nagpupursigi ng ganito karangyang handaan samantalang ang nais ko lang naman ay isang simpleng handaan na naroon silang lahat.

Hindi naman kase mahalaga sa akin kung gaano karangya o ka-simple basta kumpleto sila ay okey na ako, basta naroon ang pamilya, mga kaibigan at ang girlfriend kong si Lyn ay ayos na ako pero dahil mapilit si Mommy ay hinayaan ko na lang, kung saan sya masaya sige yun na lang.

Alam ko namang sinusulit lang nya ang mga panahong wala pa akong sariling pamilya, alam kong nakakaramdam na sya na malapit na akong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya, hindi ko naman na ikakailang gusto ko ng lumagay sa tahimik. Hindi na din naman ako pabata at wala na rin naman sa kalendaryo ang edad ko kaya hindi na din naman masyadong maaga para sa ganoon dahil sa totoo lang ay nahuhuli na nga ako, ang iba sa mga kaibigan ko ay happily married na some of them ilan na ang anak samantalang ako ito ni hindi pa ikinakasal. Hindi na din naman problema ang financial dahil sa mga taong lumipas habang naghihintay ako ng tyempo para ligawan si Lyn ay nagawa ko ng palaguin ang company ko na marami ng branch sa iba't-ibang panig ng mundo.

"Carlios ano pa bang ginagawa mo dyan sa hagdan? Lumakad ka na sa kwarto mo at mag-asikaso!" Rinig kong sabi ni Mommy.

Napabuntong hininga na lang ako saka tumayo mula sa pagkakaupo at nagpaalam na aakyat na katulad ng gusto nya.

Pagdating sa kwarto ko nahiga ako sa kama at tinawagan ko ang girlfriend ko. Napakunot ang noo ko ng maka-limang dial ako pero hindi pa din nya sinasagot, pakiramdam ko lulubog na ako sa kinahihigaan ko sa magkahalong iritasyon at pag-aalala. Bumangon ako at muling i-dinail ang numero nya tumayo na ako habang iniintay kung sasagutin nya o hindi.

"Hello?" Rinig kong bungad mula sa kabilang linya.

Nakahinga ako ng maayos ng marinig ang boses nya, bumalik ako sa pagkakaupo saka pabagsak na nahiga.

"Hey sweetheart, ayos ka lang ba? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Busy ka ba?"

"Sw....eetheart."

"Hey! What happened to your voice?"

"Ow w...ell, may sore throat ako."

"Nag-meds ka na?"

"Yeah kanina."

"Okey magpahinga ka na."

"Nah, Mag-aasikaso pa ko."

"For?"

"Duh! Birthday mo kaya ngayon."

"Pwede namang wag kang pumunta, magpahinga ka na lang."

"Ayoko."

"Fine, Susunduin kita."

"Great. See you sweetheart."

"Yeah, I love you."

"I love you more."

Pagka-end ng tawag bumangon ulit ako para mag-asikaso na.

-------------

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Carlios pwede ba tantanan mo ang katatanong!"

"Nag-aalala lang ako sayo."

Sumimangot sya.

"Ah excuse me po, malapit na po kayong tawagin." Rinig kong sabi ng maid.

Kung Ako Na Lang Sana (Original 2015) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon