Chapter 25: The final blow of the game

19 1 0
                                    

Andrei Pov

Mula ng malaman kong nakaligtas na naman sya inoobserbahan at binabantayan ko na ang mga kilos nya.

Pasimple kong tinitingnan kung may kahina-hinala sa kilos at ginagawa nya. I know ang sama ng ginagawa ko dahil kaibigan din namin sya pero sa ganitong sitwasyon na maraming nawawala sa amin at kakaiba ang koneksyon nya sa nangyayare hindi mo maiiwasang magduda. Wala ei nakaka-paranoid na ang mga nangyayare.

"Damn this fucking situation! Ni hindi natin alam kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito! Hindi natin alam ang mga susunod na mangyayare, para lang tayong nag-iintay ng sarili nating kamatayan!" Nanggigigil na sabi ni Kris.

Tama naman sya.

Para kameng mga laruan na pinaglalaruan ng kung sinong salarin ng lahat ng ito.

"Ei tang-ina bakit hindi ka na lang dumiretso sa akin at ako ang patayin mo! Ginagago mo na ako ei!" Sigaw ni Janella

Nagulat kame sa sinabi nya.

"Ms, anong ibig mong sabihin?" Takang tanong namin.

"Alam ko na.." nagpunas sya ng mga mata nya. "Alam ko na kung anong pakay nya. Ako ang pakay nya, simula palang ako na ang gusto nyang saktan pero nakalimutan kong matalino nga pala sya. Hindi sya di-diretso sa akin dahil alam nyang mas masakit kapag sinaktan nya kayo, mas masasaktan ako kesa sa pisikal."

"Anong bang sinasabi mo?"

"Hindi ba plinano mo lahat ng toh? Gusto mo ng gaguhan di ba? Tara ako ang harapin mo! Hayup ka!" Nangigigil nyang sigaw habang nakatingin sa labas ng bahay.

Nilingon namin yun pero wala kameng nakita.

"Ano bang nangyayare sayo?"

Hindi sya umimik at matalim lang na nakatingin sa labas.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Kris ng sagutin nya yun nakarinig kame ng malakas na palahaw.

Agad syang napatayo at nagdilim ang aura.

"Ms..."

"Sige na puntahan mo na ang pamilya mo, Andrei samahan nyo sya, sumama ka na rin Carlos."

Maang kameng napatingin sa kanya.

"Pero wala kang kasama." Angal namin.

"Andito pa naman si Erick." Ngumiti sya. "Kaya ko na ang sarili ko, tatapusin ko na toh para wala ng madamay pang iba." Sabi nya

Aangal pa sana kame ng makarinig ulit kame ng palahaw.
Napapikit si Kris.

"Sige na mas kailangan kayo dun."

Lumapit sa kanya si Carlos saka niyakap sya ng mahigpit.

"I love you, matatapos din toh."

Tumango si Janella.

"Ingat kayo." Sabi nya

Nag-aalinlangan mang umalis, tumuloy kame kagaya ng gusto nya. Pasakay na kame ng muli namin syang lingunin, nakangiti sya samin pero tumutulo ang luha nya. Hindi kame mapakali habang papalayo sa bahay na iyon pakiramdam namin may hindi magandang mangyayare.

Kung Ako Na Lang Sana (Original 2015) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon