Chapter 16: Sweet

8 2 0
                                    

Janella Pov

Dalwang araw din ang lumipas matapos ng nangyare kay Kennedy. As of him ayos naman na sya, nakalabas na sya ng hospital nun kaseng dinala ko sya dun pina-confine ko para makasigurado akong ayos lang sya kase mahirap na baka mamaya kung anong ginawa sa kanya ni Chelsea.

"Misis?"

"Po?"

Bahagya akong lumingon para tingnan sya. Lumapit sya sakin.

"Para kanino naman yan?" Tanong nya saka kumuha ng silya at naupo.

Ngumiti ako. "Kay Kennedy."

Natawa ako ng muntik syang mahulog sa kinauupuan nya.

"Ooppss! Wag kang magseselos! Ginagawa ko toh kase nagrequest sya atsaka kalalabas lang nya ng hospital."

"Misis-----"

"Hep! Alam ko na yan! Promise di talaga!"

Kumunot ang noo ko ng tumawa sya. Tumayo sya sa may likuran saka lumapit at niyakap ako mula sa likod.

"You really don't want me to get jealous huh?"

"Syempre."

Inayos ko na sa tray yung minix ko.

"Misis."

"Yesh?"

"Pwedeng mag-request?"

"Sure, anything."

Humarap ako sa kanya.

"Can you kiss me?"

"Carlos di naman request yun ei!"

"Ei ano?"

Sumubsob ako sa balikat nya.

"Natural na yun ei! Hindi mo na kailangang mag-request!"

Tumawa sya. "You are willing huh?"

"Letche ka."

"Joke lang."

Nag-angat ako ng tingin saka pinisil ang ilong nya.

"Tantanan mo yang joke na yan, I know you madalas totoo ang biro mo."

"Joke nga lang, ang request ko talaga ipag-bake mo ko ng cupcake."

Humiwalay ako sa kanya saka inilagay sa oven yung tary ng cake saka kinuha sa ref yung cupcakes na naunang binake ko.

"Oh. Cupcake mo."

"You knew?"

Tumango ako. "Every time na nagbi-bake ako inuuna ko ito kase alam kong favorite mo toh."

Napangiti sya. Inalis ko yung wrap saka inilapit sa kanya. Kumagat sya dun tapos nanlaki yung mata ko ng mabilis syang naglean at hinalikan ako. Nalasahan ko tuloy yung cupcake na nasa bibig nya.

"Ano ba! Lunukin mo naman muna yan!"

Tumawa sya pero namumula sya mula tenga hanggang leeg.

Ibinigay ko na sa kanya yung hawak ko saka kumuha ng sakin at kumain din.

"Ba't parang ampait nung chocolate?" Tanong ko.

Umiling sya. "Masarap naman ah?"

"Mister, nasasabi mo yan kase mahal mo ko."

"Trust me masarap nga."

"Hindi kaya."

"Ikaw kase nagbake kaya di masarap sa panlasa mo."

Kung Ako Na Lang Sana (Original 2015) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon