JAMS Pov
So Ayun siguro naman kilala nyo ako noh?
Ako ang pinakagwapo nyang kapatid! ^__^
Walang aangal! ang umangal papaslangin ko!Anyway kaya ko gustong makausap si carlos dahil may gusto lang akong linawin.
Tutal ibinigay na ni mommy sa kanila ang singsing gusto ko lang siguraduhin na talagang mahal nya ang kapatid ko.
Oo alam ko naman yun na mahal nya ang kapatid ko pero syempre gusto kong masiguro atsaka para manahimik na rin ang ubod ng kulit na kaluluwa ni lyn na ayaw akong tantanan sa kakapaalala na siguraduhin kong hindi na iiyak si Janella.
Don't get me wrong guys hindi pa patay si Lyn buhay na buhay sya pero jusko! daig pa ang kaluluwang hindi matahimik sa sobrang kulit.
Halos araw araw akong ginagambala nun para siguraduhin ko daw.Syempre bilang kapatid ayaw namin na nasasaktan yung bunso namin. Sino ba namang kapatid ang gustong umiiyak ang kapatid nya di ba? Kaya ito na nga ei.
Atsaka noon pa lang alam ko na sa kanya ibibigay ang singsing na yun.Sabi sakin ni lola sawi daw ako sa pag-ibig.
Hinulaan nya ako noon sabi nya.
Sa future ko daw maaga akong magpaplano ng kasal pero magkakahiwalay din kame ng babaeng una kong pakakasalan.
Nung tinanong ko kung sa huli ba magiging kame.
Hindi daw.Lately ko lang narealize na si Maria ang babaeng yun. Yeah tanggap ko na sa dulo hindi magiging kame pero hangga't kasama ko sya at hangga't kaya kong ipaglaban at hangga't kaya ko pangbaguhin ang hinaharap gagawin ko.
Wala ei sya na yung nakikita kong gusto kong makasama sa pagtanda ko."Bro ano bang pag-uusapan natin??" Nilingon ko si carlos.
Ang lalakeng toh ta-tahi-tahimik pero may lihim na pagtingin sa kapatid ko at natutuwa ako na kumikilos na sya.
"About janella" seryoso kong sagot
"Bakit anong tungkol sa kanya?"
"May gusto ka sa kanya di ba?"
"Yeah actually noon gusto ko sya--------"
Peste pala toh eh! >__< noon pa pala ang tinatanong ko yung ngayon.
"Noon?? bakit ngayon hindi mo na sya gusto?"
"Hindi na." direktang sabi nya
Masasapak ko talaga toh ng wala sa oras >__<
"Eh! gago ka pala ano yung mga pinapakita mo?? baka naman pinaglalaruan mo lang ang kapatid ko?!" naiinis na ako ah! >__<
"Hindi ko sya pinaglalaruan noon gusto ko sya."
Di na ako nakatiis. Di ko na mapigilan ang sarili ko ei ginagalit nya ako! >__<
Sinapak ko sya pero hindi sya nakailag."Ba't ka ba nanununtok?!" inis na tanong nya sakin saka hinawakan ang pisngi nya.
"Bakit ako nanununtok? wala lang trip ko lang." kaasar na toh. --__--
"Pwede ba hindi ko sya pinaglalaruan! noon gusto ko sya--------"
"Isa pa ulitin mo pa yang noon noon mo! sasapakin ulit kita."
"Patapusin mo kase muna ako!" angil nya.
"Ah ganun ba? pasensya naman."
"Ni minsan wala sa isip ko ang paglaruan sya at hindi ko sya pinaglalaruan dahil seryoso ako sa kanya. Noon gusto ko sya pero ngayon hindi na kase ngayon sigurado na ako. Sigurado na akong mahal ko sya."
"Sigurado ka? baka naman hanggang ngayon mahal mo parin si kristel?"
"Sigurado na ako. This time sigurado na ako na si janella na ang mahal ko at hindi na si kristel."
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (Original 2015) ✓
Novela JuvenilJanella was a strong but childish person. She always cared for others but never cared for herself. She always prioritize other people feelings than her own. Not until someone's broke her heart. Erick a happy go lucky person who doesn't cared for wha...