Buwan ang lumipas at halos hindi na nya alam kung saan hahanapin ang sarili. Hindi nya alam kung paano magsisimula matapos ang mga nangyare ni hindi nya matukoy kung ano ang unang hakbang na gagawin matapos ng mga pinagdaanan nya ngunit sa mga dumaan na araw ay nakaisip sya ng isang bagay at naging buo ang loob nya na isakatuparan iyon kahit ano pa ang mangyare, yun ay ang makaalis sya sa lugar na iyon. Buo na ang kanyang loob na umalis dahil gusto nyang magkaroon ng bagong buhay para sa dalawang bata kahit na mahirap at masakit.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ng Mommy nya sa kanya ngunit tumango lang sya.
Nakatingin sya sa malayo habang tahimik na pinagmamasdan ang tanawing nasa harapan nya.
"Hindi na ba talaga mababago pa ang desisyon mo? Hindi mo naman kelangang umalis."
"Kailangan ko Mom."
Bumuntong hininga sya saka tumayo na at kinuha ang maleta kung saan nakalagay ang lahat ng gamit nya at nang mga bata.
"Huwag mo na lang kayang isama ang mga bata? Dito na lang sila."
"Hindi ho ako mapapakali kung wala sila sa tabi ko." Sabi nya saka naglakad palabas ng kwarto.
Bumaba sya sa sala dala ang maleta at isinakay iyon sa kotse bago iginiya si Aldrine papasok doon at binuhat ang bata.
"Mag-iingat kayo. Kung kailangan mo ako ay tawagan mo lamang ako."
Matapos ilapag sa passenger seat ang bata ay nilagyan nya ito ng seatbelt saka isinara ang pinto at bumaling sa Mommy nya. Niyakap nya ito ng mahigpit.
"Wag kang mag-alala mom kaya ko ang sarili ko." Sabi nya saka ngumiti.
Sa huling pagkakataon ay tiningnan nya ang kabuoan ng bahay. Ang mismong bahay na nagpapaalala ng napakaraming alaalang nagdudulot ng sakit at pighati sa kanya.
Ang mismong bahay kung saan bumuo sya ng pangarap kasama ang mga taong ngayon ay wala na sa buhay nya. Mga taong akala nya magtatagal at makakasama nya hanggang dulo ngunit ito sya mag-isang haharapin ang panibagong yugto ng buhay nya ng nag-iisa.
Tumalikod na sya at sumakay na sa kotse saka minaneho iyon paalis sa lugar na iyon.
Naglalaro sa isip nya ang mga isipin kung saan ba sya mamamalagi dahil sa totoo lang ay wala sa isip nya kung saan ba sya tutungo dahil ang nais lamang nya ay ang makaalis sa lugar na iyon upang makatakas sa mapait na alaalang dala ng lugar na iyon.
Bago sumapit ang gabi ay huminto sya sa isang hotel at doon muna nila pinalipas ang magdamag. Nang mag-umaga ay inasikaso na nya ang mga passport dahil napagdesisyunan nyang pumunta na lamang sa ibang bansa at doon makipagsapalaran ng panibagong buhay.
Pagsapit ng hapon ay nakasakay na sila sa eroplano na magdadala sa kanila sa panibagong lugar na malayo sa alaalang ayaw na nyang maalala pa.
Matagal tagal din ang inabot ng kanilang biyahe. Halos pasikat na ang araw ng makarating sila sa airport. Mula doon ay sa hotel muna sila namalagi habang naghahanap pa sya ng tirahan.
Dalawang araw ang matulin na lumipas at nakahanap na sya ng tutuluyan nilang mag-iina. Hindi ganoon kalakihan ang bahay ngunit sapat na para sa kanilang tatlo. Nakaupo sya sa lapag at pinapasadahan ng tingin ang paligid ng maalala nya ang isang bagay. Agad nyang kinuha sa bulsa ang wallet at cellphone. Una nyang kinuha sa wallet ang mga card na mayroon sya at pinagbabali ang mga iyon. Sumunod naman ang sim card ng cellphone nya saka itinapon sa basurahan.
Nais nyang makapagsimula ulit ngunit hindi nya magagawa iyon kung mayroon syang communication sa nakaraan nya. Nahihibang man sya kung pakaka-isipin ngunit nais nya lang na matakasan at mabura ang sakit na nararamdaman nya.
Dinama nya ang kanyang puso ngunit agad din syang huminto ng maisip na wala syang panahong maging mahina dahil kailangan nyang alagaan ang dalawang bata na sa kanya nakasalalay at umaasa.
Tiningnan nya ang wallet at napailing ng makitang hindi na sasapat sa isang buwan ang perang mayroon sya. Kailangan nyang gumawa ng paraan.
Napabuntong hininga sya saka tumayo at nag-asikaso na.
Kahit pa nasasaktan sya at naiiyak ay kailangan nyang kontrolin ang sarili at magpakatatag. Ang tanging nasa isip lamang nya ay ang dalawang bata at ang panibagong buhay na ninanais nya.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (Original 2015) ✓
Roman pour AdolescentsJanella was a strong but childish person. She always cared for others but never cared for herself. She always prioritize other people feelings than her own. Not until someone's broke her heart. Erick a happy go lucky person who doesn't cared for wha...