Brenz Agustin’s POV
Nandito ako ngayon sa labas ng gate nila Kei. Sabay na kaming pumunta sa school na miss ko talaga kasi ang babaeng ito eh.. Wag lang magkamali si Martin na paglaruan ang bestfriend kong to!
At andito na sya. Sa wakas natapos na din sya. Ang amo talaga ng kanyang mukha. Parang isang anghel na bumaba sa lupa galing sa langit. Kaya lang palaging hindi sya naiintindihan ng iba eh.
"Alam ko iniisip mo. Yaan mo na sila uy. Nandito ka naman. Sapat ka na:)" sabi nya sa akin.
"Pinapasaya mo naman ako nyan eh:) Tara na?" sumakay na kami sa sasakyan ko. Mamaya na ang contest nila. I will be their number 1 fan :)
"Excited ka na?:)" tanong ko sa kanya habang nasa road ang attention ko.
"Ewan eh? Kinakabahan yata ako eh?"
"Wag ka ngang kabahan. Sa ganda mong yan? Sa talino mong yan? Kinabahan ka pa? Wag kang mag-alala nandito lang ako:)"
Tiningnan ko sya. Nakaharap lang sya sa labas eh.
Hinawakan ko ang kamay nya ganun pa din. Malambot at nakakagaan ng loob.
"Wag na ngang kabahan Kitkat eeeiih!"
Napatingin sya sa akin. Tapos sa kamay namin. Naninibago ba sya? Haha ang cute nya eh. Namumula ang pisngi.
"Wag kang mawawala sa tabi ko Brey ha? Please? Sayo ako huhugot ng lakas ng loob."
Nakatingin sya sa akin. Ako naman iniiwasan ang mata nya. Nanlalamig kasi ako sa sinabi nya eh.
DUBDUBDUB tapos bumilis bigla tibok ng puso ko.
Okay relax Brenz. Master mo na ito. Tiningnan ko sya .
"Oo naman:) Ako ang pinakamalakas na palakpak na maririnig mo. Asahan mo yan ha? :)"
Nag-smile sya sakin ng napakatamis na ngiti. Haay napakaganda talaga ng kaibigan ko.
Mapapatay ko talaga ang mang-aaway dito.
"Thank you:)" Tumingin na naman sya sa bintana.
"Wala yun! Sana pala ako nalang yung representative sa atin no?" Out of nowhere nasabi ko sa kanya.
Pag kasama ko si Kei di ko talaga maiwasan masabi lahat ng iniisip ko eh. Nasanay na ako na hindi magsinunaling sa kanya.
Nandito na kami sa school ngayon. Everyone is looking at us as we pass the hallway. Tinulungan ko syang dalhin ang mga props nya. Ano kayang gagawin nito mamaya sa talent portion? Alin sa mga talents nya.
Dumeretso na kami sa room namin. Sa dressing room ng representatives namin. Excited na ako makitang ma-ayusan si Kei. Hindi ko pa kasi sya nakita eh na inaayusan o naka make-up. Ayaw nya yun. Ni powder nga ayaw nya. Nakakabagot daw sa feelings. Haha ngayon masusubukan ang sarili nya. Haha.
Ganito yung arrangement *School Uniform attire *Sports *Job *Talent *Recycled Attire.
Pinagtulungan si Kei ng kada nila Irish na maayos ang mga gamit nya. Ano kaya ang talent ni Kei? Ano kaya sa mga talents nya ang ipapakita nya? :)))
"A-ah. Brey, anong talents? May talent portion ba? Hehe"^___^
"Ha? Hindi mo alam?" O___O
"Ha? May load ka?? Palpak naman nito eh, nakalimutan ko!!" >/////< ayan na sya hindi na yan mapakali.
"Oh, ito. Bakit?"
"Tatawagan ko si Yaya. May ipapakuha ako sa kanya."
Tapos ayun, tinawagan na nga nya yung yaya nya. Nasa business trip na naman siguro parents nito eh.
Binalik nya yung phone ko. "Thank you:)"
"Wag kang magpa-stress KC ha? Para hindi ako mahirapan mamaya. Haha" -AJ
"Tapos KC, ipagmayabang mo talaga tong gown. nasilip kasi namin sa iba, walang sinabi eh. haha" - Irish. halatang proud na proud sa kanyang design.
"Ano kaya gagawin ko sa buhok mo mamaya?" -Maureen
"Gagawa ako ng banner KC. haha!"- Si Evan na may dala pang marker.
"Basta ako, ang number 1 fan mo Kitkaat"- ^______^
"Teka? Nasan na si Martin?" -AJ
"Hindi pa dumadating eh!" -Evan.
"Wait, tatawagan ko." -ako.
"Hello Tol? Nasan ka na? Dito ka na dali nang makapagrelax pa kayo ni Khaie"
(On my way na ako tol. Wag mo nga ako masyadong ma miss kadiri ka.)
"Handa ka na ba sa talent mo?"
(Madali lang yan isipan ng pakulo. Basta tulungan mo ako. Bye)
"Papunta na sya dito."
"Kitkat, tara kain tayo para di ka ma stress."
"Tataba ako" >_<
"Kesa mamatay ka mamaya sa gutom. Baka feel mo 1hour lang ang contest? Haha"
"Baka majebs ako?" -___-
HAHAHA "9am pa naman. Snack lang naman eh. Ikaw talaga."
"Sige na KC, sumama ka na. Balik kayo mga 1-2pm dapat busog ka na nyan KC ha?"-Maureen
"Ok:) Tara na Brey. Libre mo ha?" -sya habang sinusundot ang gilid ko >_< hindi pa rin sya nagbabago.
"May magagawa pa ba ako?" Tapos inakbayan ko sya at naglakad na kami.
BINABASA MO ANG
She Who Can Read Me (super duper kaladuper on hold)
Teen FictionLahat tayo na nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay may kanya-kanyang uniqueness.. Minsan sa pagiging unique natin, nagiging weird tayo sa mata ng ibang tao.. Sa pagiging unique natin nagiging kainis-inis rin tayo sa paningin ng iba.. Pero hindi natin...