chapter 15 """

10 0 0
                                    

CHAPTER 15

Kei Cathreen Aquino's POV

Habang nakahiga ako ngayon sa kama ko ay naisip ko ang storya ng buhay ni Martin.

Ako?  Kaya ko bang masabi ang storya ng pamilya ko?

Bata pa lang ako, oo may maayos kaming buhay pero lagi ko namang nakikita sina Mommy at Daddy na nag-aaway.

Nung una tungkol pa lang sa pagbabarkada ni papa eh.

Pinilit naman nilang ipakita sa akin na ok lang silang dalawa. Ako naman pinipilit kong umakto na walang nalalaman.

Hindi ko man mabasa ang isipan nilang pareho, eh alam ko naman yung mga naririnig ko, at mga nakikita ko.

Nung first year highschool ako, mas lumaki yung problema namin. Yun siguro ang dahilan kung bakit lumipat muna kami sa isang condo at inilipat ako ng school.

Oo nasabi ko na walang tiwala si Daddy sa boys dahil nga napapansin nyang nagkakagusto na ako kay Brey. Pero hindi naman siguro ganun kakitid ang pag-iisip nila kung yun lang ang dahilan kung bakit ako lumipat ng school at lumipat din kami sa isang condo.

May nakakita raw kasi kay Dad na may babae. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dun eh.

Pero nung makita ko si Mom na iyak ng iyak, parang may isang napakatalim na kutsilyo ang tumutusok sa bawat internal organs ko.

Nalaman ko na totoo yun kasi si Daddy gabi na rin kung umuwi tapos madalas ko naririnig ang bangayan nila.

Pero pagkatapos ng isang taon, parang naging ok na rin ang lahat. Kaya naman ngayong fourth year na ako, pinayagan ako ni Mom na lumipat ng school kung saan magiging masaya daw ako sya pa nga naglipat sa akin diba.

Tapos napadpad ako sa school namin ngayon.

Kaya lang parang naging worse na ang sitwasyon eh kasi nung una, si Dad lang ang laging umaalis. Ngayon pati na si Mommy eh. Umuuwi nga sila hindi pa sabay.

Yung parang umuwi lang para maamoy ang bahay.

Mahalaga pa kaya ako sa kanila?

Naaalala pa kaya nila na may anak silang babae dito?

Malapit na ang pasko dahil last week na ngayon ng November. Ni tawag text nila wala pa akong natatanggap eh.

Sanayan lang yan. Tss.

Makatulog na nga.

~~~~~~~~~~

She Who Can Read Me (super duper kaladuper on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon