Chapter 2 (Stranger)

35 4 0
                                    

"Good morning Martin ;)" bati nung babae.

Tinangoan ko lang kasi wala ako sa mood ngayon. Napagod ako kakatulog. Tapos pagod talaga pakiramdam ko. Yun na yun.

Para kasing magkakalagnat ako ngayon eh. Ewan ko bakit. Tss

Pagdating ko sa pinto sinalubong ako ng Pres namin.

"Uy Martin! Hi!"

"Hi" tapos pumasok na ako. Wala si Brenz ngayon kasi ewan ko din sa kanya. Haha

Di tulad nung una ay nakikinig ako sa lectures, ngayon parang nagkakasinat na yata ako. Putek kasi tong pakiramdaman ko eh! Natulog lang ako sa klase kaya napansin ako ng teacher namin.

"Mr. Aurellano? Excuse me? May problema ka ba? Bakit ka natutulog sa klase?"

Hindi ko inangat ang ulo ko, nagkukunwari wala akong narinig.

 Bigla nalang may humawak na leeg ko, ang lamig eh napabangon tuloy ako.

"Ma'am, mainit po sya. Siguro dapat magpahinga muna sya."

Sabi nung hindi pamilyar na boses ng babae sa likuran ko.. Nakakarinig ako ng mga buzz pero di ko maintindihan.

Nilingon ko ang babae at O__O

“SINO KA!!?" hindi ko kasi kilala eh. Pero feel ko maganda itong babaeng to. Di ko kasi masyadong maaninag mukha nya kasi hindi klaro at nag iinit ang mata ko ngayon.

"Nagpakilala na ako kanina. Hindi na mahalaga sino ako." Sagot nung babae sabay tingin sa bintana. Sus! If I know na starstruck na yan sa akin.

"Mr. Aurellano, mas ok siguro kung sa clinic ka muna?"

"OK Ma'am" sagot ko sabay kuha ng mga gamit ko. Tinitigan ko saglit yung babae, sino ba sya? Bagong classmate?

Tinitigan nya ako na para bang may laser ang mga mata niya. Sabi ko na nga ba nastarstruck to sa akin. May bago na naman akong babes nito. Nagtitigan lang kami tapos bigla nalang syang nag smirk at may pa-iling-iling pang nalalaman tapos tingin uli sa bintana.

"Umalis ka nalang." Mahinang sabi nya.

“Huh?“

Natauhan ako bigla. Ano daw? Umalis ba ang sabi nya o di kaya ang gwapo ko? Umalis nalang ako at imbes na mag tungo sa clinic ay sa rooftop ako nag punta. May dala naman akong gamot laging ready eh! Natulog na ako sa paborito kong pwesto, sa pinakasulok.

Mejo naalimpungatan ako ng may marinig akong boses ng babae. I think kinakausap nya ang kanyang sarili. Weird.

"Haaay, ano ba to. Unang araw ko pa lang sa paaralang ito nawawalan na ako ng gana! Bakit ba kasi ako nilipat ni mama dito eh! Sabi naman ni mama magiging mas mabuti ako dito. Pero parang wala namng dahilan para ma ok ako dito eh!!! Haaay talaga. Lalo na ngayong meron na namang feeling gwapo kung makaasta! Aynaku! Nakakainis!!!!"

She Who Can Read Me (super duper kaladuper on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon