Chapter 17.1
Martin Aurellano's POV
*PPRRRRRRRRRRRRRTTTT!!!!!!!!!*
"Panalo ang red team!"
Ang galing nya pala talagang maglaro ng volleyball. Kitang-kita ko sa kanya ang page-enjoy nya habang naglalaro eh.
Nakakainis lang. Hindi man lang nya na appreciate ang pag concentrate ko sa laro para ma impress sya. Tss.
Bakit di nya yun alam? Ugh! Puro sa team nila Mel kasi yung atensyon nya!
"Grabe Kitkat, tingnan mo nga ang pula na ng arms ko oh!"
"Bakit mo kasi sinasalo! HAHAHAHAHA!"
"Kawawa naman ang Baby koooo..."
"Hoy, ang cheezy nyo naman. Nakakaumay tingnan. Hahaha! Joooke!!"
"Hoy Martin! Lambingin mo nga itong si KC para hindi na mainggit sa amin Haha!!"
Tiningnan ko si Kei. Inirapan nya lang ako. Nahiya naman akong lumapit kaya nag stay nalang ako sa lugar ko.
"Assuuuuss, di pa nga mag-on LQ na agad? Ano bang ginawa mo sa bespren ko Tol?" Pabirong tanong ni Brenz.
"Aba ewan ko jan sa kanya!" Tapos tumalikod na ako. Eh nakakainis eh. Bakit ba sya bigla nalang naging ganun?
Dati ganyan sya pero parang iba talaga ngayon eh. Parang meron talaga akong kasalanan na ewan ko kung ano!
"GUYS, 5mins warm-up para sa RED at BLUE team."
Nagsimula na kaming mag warm-up pagkasabi ni Pres nun.
Sa kabilang side sila syempre. Sya pa talaga ang nanguna sa warm-up ng team nila. Team Captain yata sya ngayon ah?
Kaya naman nagprisenta ako na ako ang maging team captain ng team namin.
"Ok mga team captain halina kayo."
Lumapit naman kaming dalawa ni Kei.
Tiningnan ko sya, pinipilit kong itanong sa kanya kung ano bang kasalanan ko pero inirapan nya naman ako.
Problema nya?
Nag toss coin na kami at panalo sila. Sa kanila yung unang serve.
Habang naglalaro ay nakikita kong seryoso ang mukha nya. Ang lakas pa nyang pumalo sa bola.
Galit talaga sya eh!
"ANG GALING TALAGA NI KC!!!" Sigaw ni Mel. Halata namang nawala na ang hiya nya. Haha
BINABASA MO ANG
She Who Can Read Me (super duper kaladuper on hold)
Fiksi RemajaLahat tayo na nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay may kanya-kanyang uniqueness.. Minsan sa pagiging unique natin, nagiging weird tayo sa mata ng ibang tao.. Sa pagiging unique natin nagiging kainis-inis rin tayo sa paningin ng iba.. Pero hindi natin...