Chapter 4

34 2 0
                                    

Kei Cathreen Aquino’s POV

Hindi naman talaga ako suplada eh. Kaya lang dito sa bagong school ko ang daming feelingera at feelingero kaya ayoko pa makipagsalamuha sa kanila. Lalo na yung asungot na yun! Panira araw eh! Ginawa ba daw akong partner nya sa Contest? Pssh! Gagu lang eh. Nakakairita sya! Feeling gwapo looking gago! Ayoko sa kanya! Ngunit buti nalang classmate ko pala si Brenz.

Si Brenz ang bestfriend ko simula Grade 1 kami. Hiniwalay kami nung 2nd year highschool na kami kasi si Daddy wala daw sya tiwala sa mga lalaki. Iba naman si Brenz eh. Alam ko yun no. Mabait kaya si Brenz. Ewan ko lang kung yun ba talaga ang tunay na dahilan ng paglipat nila sa akin.

Ito siguro yung sinasabing masisiyahan daw ako ni mama? Pumayag si papa kasi alam ko nagui-guilty sya kasi wala akong close friend doon sa dati kong school.

Eto ako ngayon. Kasama ang asungot na partner ko. Sinusukatan na kami ng mga classmates namin. May ilan din naman akong classmates na mababait. Tulad nalang itong si Irish na syang nag design ng gown yari sa recycled materials, si AJ na magme-make-up daw sa akin. Si Maureen na sa buhok ko daw naka assign at si Evan na nagpapachill sa kanya. Ang babait ng magbarkadang eto eh. Magiging close ko sana sila.

Hindi ko nililingon si Asungot kasi alam ko maba-badtrip lang ako  pfft. Pano kaya sila naging magkaibigan ni Brey(Brenz) ? Tss.

"Hi Kitkaaat:)))" -Brey<3

"Oh! Brey? Bakit ka pumunta dito?"

"Masama bang kumustahin ang dalawa kong bestfriends?" ^_~

Aish! Kumindat na nama sya. Namumula ako >3< yumuko nalang ako para i relax ko ang sarili ko.

"Haha! Baka gusto mo tulungan mo nalang ako dito sa suot ko?“  ayan na naman po sya. Tss pumapapel pa eh!

"Haha! Ok fine. Dito muna ako sa kabila Kei ha?" :)))

Nag nod lang ako. Ang pogi talaga ng bestfriend ko. Haaay.

"Yehey! Ang ganda ng nagawa kooo!! :)) Bagay na bagay pala sayo eh! Ang tangkad mo kasi! >3<" -Irish.

Haha! Ang cute. Mabiro nga. Ok naman ang mood nya eh. Haha..

"Hindi ako matangkad Rish no, hmm ano, ah mejo maliit ka lang" ^___^v at nag pout sya. haha grabe ang cute naman. haha

"Tama nga naman si KC jan Rish!" agree naman ng kada nya. Tapos nagtawanan na kami.

Ang ganda naman talga ng nagawa ni Irish. Basta napaka ganda talaga. Tapos may parang crown pa ako at may parang salangkay din. Haha

Ano kaya ang itsura ng asungot. tss. Magfi-Feeling na naman yun.

"Thank you talaga sa inyo ha?:) Ang ganda ng ginawa nyong gown eh, mabigat nga lang. Haha." Sabi ko sa kanila na nagt-tyaga sa akin. Haha

"Wala yun no. Basta galingan mo!" -Irish

"Oo tapos pahangain mo sila sa pagrampa mo niyang napakahabang gown. Haha!" -Evan

"Dapat elegante din ang pag portray mo bukas kasi gagawin kitang elegante sa make-up mo." ^__^ AJ

"At sa buhok mo naman, magiging dyosa ka! Haha!" - Maureen

"Gagawin ko ang very best ko:) Para sa inyong mga naghirap dito:)"

Tinulungan na nila akong ihubad ang gown.

"Hinubad mo na agad,di ko pa nga nakita!" >3< brey. nagpapa cute na naman ang loko oh.

"Oo nga. Gusto ko pa naman masilayan ang ganda ng GOWN ng aking partner!" -Asungot.

Psssh .. bakit pa sya sumingit. nairita tuloy ako.

Inakbayan ako ni Brey at nagpaalam sa lahat na una na daw kami. Ngayon nasa ice cream parlor kami. Libre nyaaa ^___^

"Brey, bakit naging kaibigan mo yun?" tanong ko sa kanya ng diretso

"Kasi pareho kaming pogi." HA?? Nahawa na rin sya??????

"Wag ka ngang tumulad dun. Nakakabadtrip ang pagf-feeling nya eh!"

"Haha! Nagkaibigan kami dahil sa DOTA at dahil na rin sa sikat kami. Hmm, mabait yun pag nakasama mo talaga."

"Parang ang hirap paniwalaan eh!"

"Kasi iba tingin nun minsan sa sarili nya. Tapos nasanay na lahat ng babae ay nahuhulog sa kanya."

"Hindi lahat. Ayoko sa kanya"

"Bakit? Sino ba gusto mo?"

(Ikaw! -_-) "Secret!" Naknang! Bakit secret? Pwede namang wala ang sinabi ko. mangungulit na yan! Ugh! dumb!

"May boyfriend ka na?" nakatingin sya sa akin nyan. Ako saglit ko lang sya tiningnan para naman may thrill sa buhay ko. Haha.

"Wala no! Magagalit si Dad!"

"HAHA! Mabuti naman at wala pang nagkakamali!"

"Ambad mo!" tapos pinahiran ko ng icecream ang ilong nya. hahaha so cute.

"Aish! Kitkaaat!!! >__<" tapos pinahiran nya rin ako sa pisngi. ayt? kenekeleg akeee... >____<

Pinunasan nya yung mukha nya gamit ang panyo nya. Ako naman hindi ko mahanap ang panyo ko. Nasan na yun???

Tapos bigla nalang O_____O *O_____O*

Pinunasan nya din yung mukha ko gamit ang panyo nya.

*inhale *exhale

"Ikaw talaga Khaie, ang kulit mo pa rin! Ayan namumula na pisngi mo dahil sa lamig ng icecream sa mukha mo." Patuloy pa rin sya sa ginagawa nya.

Buti nalang talaga tanga tong batang to eh. Sisihin ba naman ang ice cream sa pag blush ko. hahaha

Umuwi na kami at sabi nya susunduin nya ako bukas. Magdadala sya ng car nya para daw fresh ako palagi papunta pa lang ng school. Bukas na kasi ang contest.

 Maaga akong natulog. Para naman hindi mahirapan si AJ sa pag make-up sa akin. haha

She Who Can Read Me (super duper kaladuper on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon