(Continuation)
Napagod ako sa pamamasyal kasama si Tito at ang mga kapatid ko. Tito is like a father to us... Natatandaan ko pa ang nangyari kanina. Natatawa ako sa nangyari kay Honey.
"Tito! Ronald! Pakshit! Ang sakit!!"nagulat kami kasi si Honey tili ng tili at napakalakas ng kanyang boses
"Ate Honey! Ano nangyayari bakit ka tili ng tili?" Tanong ni Adriana na naiirita na sa kakatili ni Honey
"Eh kasi naman... ang sakit! Inipit ng alimango ang skin ng paa ko! Tingnan mo oh! Tito! Tulungan mo ako" namumuo na ang mga luha sa mata ni Honey bakas ang mga sakit na nararamdaman niya sa mukha niya. Eh kasi naman nanahimik yung alimango eh sinipa ba naman niya. Ayan tuloy nagalit ang alimango. Tumawa na lang si Tito.
"Wag mo kasing distorbuhin ang mga alimango ate, ayan tuloy nagalit si Mr. Crab. Bigyan mo kaya ng pera para mabitiwan kana niya... haha" tawang tawa si Adriana
Tinulongan ni tito at ni Ronald si Honey sa pagtanggal ng pagkakaipit ng alimango sa paa ni Honey. Nakatayo lang ako sa tabi nila at naglakbay ang paningin ko sa isla. Ang ganda talaga nito. Napapikit ako ng maramdaman ko ang preskong hangin na dumaan sa paligid.
Slow motion ang pagdilat ko ng mga mata ko. Ang sarap ng pakiramdam na ito. Napakarelaxing ang ganitong setwasyon. Naririnig mo lang ay ang simoy ng hangin at ang dagat. Tahimik at napakaganda.
Nakalimutan ko kasama pala namin si Drake. Bigla akong lumingon at nakita ko si Drake na kasama si Adriana. Tinutulongan nito ang kapatid ko sa pagdala ng mga seashell na nakokolekta ng kapatid ko. Napangiti ako, kahit naman hindi kami nagpapansinan at parang wala lang ang kasal namin eh mabait si Drake.
Napansin kung tiningnan ako ni Adriana at kumaway siya. Kumaway din ako at ngumiti. Napatingingin si Drake sa akin pero lumingon ulit sa kapatid ko. Napabuntong hininga nalang ako.
"Mabait naman pala ang batang yan eh" nabigla ako kay tito.
"Tito kanina kapa? Kamusta si Honey"
"Hindi naman, ngayon ngayon lang din. Ayun nasa cottage na nila at nagpapahinga. Ayaw tumigil sa kakaiyak kasi masakit daw."
"You've grown and same to the two ladies too. Namiss ko ang mga batang paslit na napalaki namin ni Thia... kamukhang kamukha ni Adriana ang tita niya." Nasilayan ko ang kalungkutan sa boses ni Tito
"Tito please dont be sad, tita will get angry. Yan lang ang last wish ni tita sa ginawa niyang letter. Na ayaw na ayaw niya pag nalulungkot ka." Narinig kung bumuntong hininga si tito
"I just cant forget your tita."mapait na ngumiti si tito
"Trish anak, please be happy. Ayokong nalulungkot kayo o umiiyak. Pag sinaktan ka ng lalaking yan sumbong mo lang kay tito at bubugbugin ko yan." Seryosong sabi ni tito napatawa ako na may luha sa mga mata ko.
Pinahid ni tito ito at ngumiti "I want the three of you to be happy. Always smile kasi mas maganda kayo pag nagsmile. Pumapangit kayo pag umiiyak." Natawa ako sa sinabi ni tito. Yan palagi ang sinasabi niya noong mga bata pa kami nila Honey
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪
"Dito kayo sa isang bahay Pare... may 3 kwarto diyan. Isang masters bedroom, isang double bed sa kabilang kwarto at isang room for guest na rin... kayo naman Trisha anak doon kayo sa kabilang bahay for couples wala pa kasing 4 rooms kaya doon muna kayo. Medyo malayo-layo ka sa mama at papa mo." Pagpapaliwanag ni tito sa amin
BINABASA MO ANG
Secret Of My Husb#PrimoAwards2018#SunflowerAwards2k18#TPAwards2018#FWContest2018
Romance(UNEDITED) (MAJOR REVISION WHEN THE STORY COMPLETED) MAN IN SUIT SERIES (MISS) Present... Secret of my Husband (SomH) Si Trisha May Dela Cruz isang magandang babae, matalino at mapagmahal sa pamilya ay ikinasal sa anak ng mayamang negosyante. Ang...