How can she do these? Bakit? Ano ang kasalanan ko sa kanya at ginaganito niya ako? Itinuring ko siyang matalik na kaibigan... Not only that... Itinuring ko din siyang kapatid ko.
Hindi sukat akalain na magagawa niya ito a akin... Sa amin ni Dahlia...
"Why?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Galit ako pero di ko kayang magalit ng lubos dahil matalik ko siyang kaibigan.
"We both know naman Trisha kung ano ang dahilan." sabi nito habang nakatayo lang din at nakatingin sa akin. Makikita sa mata nito ang halohalong emosyon... Ang kapansinpansin ay ang galit... Para bang nagliliyab ito.
"..." hindi ako sumagot dahil alam ko naman ang dahilan at alam kong kami ni Drake ang may kasalanan but... Hindi ko din masisisi ang asawa ko dahil sa nangyari. Iniligtas niya lang ako at ang sarili nito sa nagbabadyang panganib na kinaharap namin noon.
Nabalot ng katahimikan ang buong silid. Bigla itong lumingon sa kaliwa kong saan nagpapahinga si Rence. At kitang kita ko ang pagtataka at pagalala sa mukha nito. Lumingon ito kay Frank. -what did you do?- Look ang ginawad ni Monica kay Frank.
"M-Monica p-pakiusap tulungan mo si Rence... Kahit ako lang yung nandito wag mo ng isali i Rence please... ako naman kailangan niyo hindi ba?" pagmamakiusap ko. Tiningnan lang ako ni Monica at inirapan. Lumabas na ito. Sumunod naman sina Frank at ang ibang tauhan nila. Naiyak nalang ako sa kalagayan ni Rence.
"Hush Bunso... Wag ka na umiyak... Ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak... Hindi ka nila masasaktan hangang kasama mo pa ako dito kaya wag ka nang matakot."
------🔰🔰🔰------
"Ikaw bantayan mo sila at wag na wag mo silang papalabasin naiintindihan mo ba?" sabi ni Frank sa bagong tauhan na nakatuka.
Nilalagnat na si Rence at hinanghina na ito. Di ko na alam ang gagawin ko. Iyak lang ako ng iyak.
"Drake saan ka na ba?"
"Drake talaga bang di mo man lang ako ililigtas?"
"Drake please... Please i need you"Tanong ako ng tanong sa isip ko. Sana... Sana kahit sino ay may tumolong sa akin... Natatakot na ako.
"No Trisha! Dont be scared! Kailangan maging matapang ka... Kailangan mong makatakas dito!" sabi ko sa sarili ko
Kailangan ko ng plano. Tumingin tingin ako sa paligid ng silid kong may magagamit ako.
Ang nakikita ko lang sa loob ay isang basket, plastic bottle, papel, lamesa, baso... At kahoy na may pako.
Kinuha ko ito at itinago. Nalaman ko na din ang pasikot sikot dito sa building na ito dahil kay Rence.
When i finalized my plan i told Rence everything then he agree and he will help me with it. And also he have no choice.
-------🔰🔰🔰------
"Ano ba talaga kailangan mo sa akin Monica?" galit kong tanong rito. Nasa labas ito at nakatingin lang sa akin na para bang naawa.
Hindi ito sumagot at bumuntong hininga na lang. Tiningnan niya ako ulit.
"Monica please, tigilan mo na ito habang may oras pa. Iba ka sa kanila Monica... Hindi ikaw ito at lalong lalo na... Hindi ka masamang tao..." tumalikod ito at handa ng maglakad
" Monica Please! Nakikiusap ako sayo habang maaga pa ay itigil muna ang mga kahibangan mong ito. I dont deserve these... Hindi naman namin sinadya ni Drake ang nangyari! Please Monica listen to me," sabi ko na nagpatigil sa kanyang balak na pag alis.
"Hindi sinadya?! Damn Trisha! Ang tito ko, ang papa ni Frank at ang papa ko ang napatay niyo!? At sasabihin mong hindi sinasadya?!" mangiyak ngiyak nitong sabi
"Tell me Trisha... Ano bang kasalanan ng papa ko sayo at sa asawa mo at pinatay niyo siya?"
"Your dad wants to kill me Monica..." nagulat siya sa sinabi ko. She deserve to know the truth and thats the truth.
"Sinungaling! Sinungaling ka! Hindi ako naniniwala sayo. Hindi masamang tao si Dad at lalong lalo ng hindi siya mamatay tao. Kaya wag kang magsinungaling!" sabi nito at umalis.
"Im sorry Monica... But that's the truth" sabi ko
------🔰🔰🔰------
Pinupunasan ko si Rence ng biglang may narinig akong natumba. Napatayo ako at inihanda ang sarili ko sa anumang panganib na haharapin ko. Ngayong hinang hina si Rence ay walang makakapagligtas sa akin. Kailangan kong maging matapang at matatag sa mga oras na ito. Kinuha ko ang kahoy na itinago ko at humandang pupukpokin kung sino man ang may balak pumasok sa loob ng silid na ito.
Itinaas ko na ang kamay ko na may hawak na kahoy at handang pumukpok. Hinay-hinay na bumubukas ang pinto at nakikita ko na ang anino ng taong pumapasok.
"Diyos ko! Patawarin mo ako sa gagawin ko ngayon. Sana gabayan mo ako sa gagawin ko at iligtas mo ako sa kapahamakan na mangyayari kong hindi ko ito malalagpasan." sabi ko a isip ko habang hinihintay na pumasok ang tao.
Kilalang kilala ko ang amoy na ito... Ang tindig nito at ang gwapo nitong mukha... Hindi ako nagkakamali...
Napatigil ako a plano ko at tinitigan ang lalaking nakatalikod sa akin. Binitiwan ko ang hawak kong kahoy kanina at natutup ko ang aking labi.Hindi ako nagkakamali... Si..
Si Drake ang taong ito... Masayang masaya na may halong lungkot. Akala ko... Akala ko di na niya ako ililigtas. Akala ko... Akala ko pinabayaan na niya ako... Hinay hinay akong humakbang... Blurry na din ang paningin ko dahil sa luhang kanina ko pa pinipigilan.
"D-Drake?" nauutal na sabi ko. Di ko napigilang maluha... dali dali ko siyang niyakap sa likod. Iyak lang ako ng iyak at di ko napansing niyakap na niya ko ng mahigpit.
"Hush sweety, your safe now"
Guys sorry for late update... Malapit na din matapos ang story nilang dalawa huhu... Sana po patuloy niyo pong supportahan ang story nila Drake at Trisha.
Salamat din po sa walang humpay na supporta niyo sa story at sa pagbibigay ng pansin sa story na ito. Sana po ay ishare niyo din ito sa mga kaibigan ninyo at mga kakilala ninyo. And i accept opinions po pero wag naman po sobra😅 Sometime in life be contented for what you have. Hahaha charot...
❤❤❤QueenBEA8795❤❤❤
No to Plagiarism
BINABASA MO ANG
Secret Of My Husb#PrimoAwards2018#SunflowerAwards2k18#TPAwards2018#FWContest2018
Любовные романы(UNEDITED) (MAJOR REVISION WHEN THE STORY COMPLETED) MAN IN SUIT SERIES (MISS) Present... Secret of my Husband (SomH) Si Trisha May Dela Cruz isang magandang babae, matalino at mapagmahal sa pamilya ay ikinasal sa anak ng mayamang negosyante. Ang...