Episode 15

270 40 0
                                    

MARCH 8,2018

Napakadumi, mausok at madaming lamok... Di ako makatulog at naiisip ko kung ano na ang nangyari kay Dahlia. Tinanggal na nila ang mga tali na nakatali sa mga kamay ko at nagmarka doon ang pagkakatali sa akin kanina. Iyak ako ng iyak, wala man lang sumasagot sa akin pag may tinatanong ako. At kanina pa ako gutom. Hindi ako pinapakain dito.

Ano na kaya ginagawa nila papa at mama about this?... How about Drake? nalaman na kaya niya?..

Yakap yakap ko ang aking sarili at umiiyak. Takot na takot at iniisip ko kung ano ang gagawin nila sa akin.

Kailangan kong magpakatatag para makalabas ako dito ng maayos. Tumayo ako at pinahid ang luha sa mga pisngi ko at lumapit sa pintuan ng silid.

"Hoy! Sino ba ang boss niyo at haharapin ko para malaman ko naman kung ano ang kailangan niya sa akin?! TAWAGIN NIYO NA PARA MAKAPAGUSAP KAMI!" pagsisigaw ko

"Chill lang miss. Makakaharap mo din si Boss." sabi ng lalaking nakabantay sa akin.

Sa galit ko ay sinipa ko na lang ang pintuan. Bwiset!! Sino ba ang babaeng yun at ano ang kailangan niya sa akin?!

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

Kanina pa ako palakad lakad dito sa silid... nagiisip ng paraang paano ako makalabas sa kulungang ito. Ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki.

Natakot at kinabahan ako. "U-UY! ANONG GAGAWIN NIYO SA AKIN?!" napaatras ako dahil lumalapit na sila sa akin. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay.

"Hoy!Saan niyo ako dadalhin?! Anong gagawin niyo sa akin?!... MAGSALITA NAMAN KAYO!" naiiyak kong sabi.

Nilalabas nila ako at pumunta kami sa maluwag na silid. May nakikita akong upuan sa gitna at tatlong silid at dalawang hagdan. Pinaupo ako ng isang lalaki sa upuan at itinali ako.

"Hoy!Anong gagawin niyo sa akin!Pakawalan niyo ako! Please!Ano ba kailangan niyo sa akin?!" sigaw ako ng sigaw sa kanilang dalawa.Para silang mga bingi na hindi makarinig.

Lumipas ang ilang minuto at nakaupo pa rin ako doon sa upuan. Napansin kong may kausap sa telepono ang isang lalaki.

Ok! Napansin kong walang mga pangalan ang mga lalaki so... I named them B1, B2 at B3...

Si B1 ay yung nagkidnap sa akin at ang bumaril kay Dahlia. Si B2 ay ang supladong lalaking nagbabantay sa akin ng madakip ako at si B3 ay ang kausap ko kanina at ang tumatawag ngayon.

"Psst.. Psst.." tawag pansin ko kay B1. Napansin kong lumingon ito sa akin.

"Pwede ba akong maghingi ng favor?" napakunot noo ang lalaki.

"Pwede bang gumamit ng palikuran?" deretso kong sabi kay B1. Eh kasi naman kanina pa ako naiihi at isa pa walang CR sa loob ng silid. Napansin kong kinausap ni B1 si B3 at si B3 ay tumingin sa akin.

Kinalagan ako ni B1 at pumunta kami sa CR. Pagkapasok namin doon ay nakita kong hindi pa siya lumalabas.

"Excuse me... pero gagamitin ko ang CR... Na AKO lang" sabi ko sa kanya. Lumabas ito at isinara ko ang pinto.

Pagkatapos kong maihi ay nicheck ko if may bintanang kakasya ako para makatakas ako dito. Pero sa pagkadismaya ko ay wala akong makitang malaking bintana. Kaya lumabas na lang ako.

Nakasimangot akong nakaharap ngayon kina B1, B2 at B3.  "Hoy, saan na ba ang boss niyo kanina pa nangangalay at sumasakit ang kamay ko sa taling ito." reklamo ko. Napansin kong tumatawag ulit si B2." Baka katawag ni B2 ang boss niya." kausap ko sa sarili ko.

"Kalagan na siya at ibalik sa silid niya. Di daw makakarating si boss. May nangyari daw na hindi niya inaasahan." Seryosong sabi ni B2.

"Hala! matapos akong paghintayin dito eh di siya susulpot?! Sumasakit na yung kamay ko sa pagkakatali ko eh di siya susulpot?! Nakakainis din yang boss niyo eh!" sigaw ko kay B2. Tiningnan ako ng masama ni B2 at lalapitan ako ng biglang humarang si B3. "easy pre... easy babae pa rin siya"

Biglang tumigil si B2 at umalis. Si B3 naman ay narinig kong bumontong hininga. "Ikaw naman babae ka... wag mong galitin si B2. Ikaw rin baka magsisi ka." sabi nito at kinakalagan ang pagkakatali ko.

Nasa silid nanaman ako. Namamaga pa rin ang aking kamay dahil sa pagkakatali. At sumasakit na din ang buo kong katawan. Naririnig ko din na parang may nauusap sa labas kaya nakinig ako.

"Rence bakit ba natin to ginagawa?Baka makulong pa tayo nito." sabi ng isang boses lalaki. Parang boses ni B1

"Di ko din alam Carl. basta ang alam ko lang eh pinilit tayo haha" tumatawang sabi nito. Boses ni B3

"Basta ako,pag may mangyari mang bakbakan aalis na ako dito. Baka malaman pa ng pamilya ko ay ikahiya nila ako... eh ikaw ano gagawin mo?"

"Hindi ko alam. Basta! Bahala na si batman haha"

"Puro ka hindi ko alam. Bahala ka sa buhay mo" at doon nagtapos ang paguusap nila. Narinig ko ang footstep na nawawala na. Tatayo na sana ako ng biglang magsalita ang isa.

"Alam kong nakikinig ka..." patay! Napatigil ang pagtayo ko. Hindi ako nagsalita.

"I dont want to harm you. But for the sake of my family... gagawin ko ang lahat, para mailigtas sila." biglang nakarinig ako ng paglakad palapit sa pintuan ng silid.

"I have a proposal for you Miss Dela Cruz..." napakunot ang noo ko.

Anong proposal at ano naman ang kapalit? or baka patibong lang ito?











"and i need your full cooperation"



Ano kaya ang proposal ni Rence kay Trisha? Ano kaya ang ginagawa ni Drake? Makakatakas pa ba si Trisha? at sino ang boss nila Rence? at bakit ganoon na lang kung magalit si B2? ano kaya ang connection nila ng boss nila at ni B2?

Abangan sa mga susunod na kabanata.




Sorry talaga readers kasi di ako naka update ng maaga. Kasi naman eh ganito ganyan.. huhu pero promise mag update uli ako pero not this week. Pero asahan niyong magupdate ako.

Secret Of My Husb#PrimoAwards2018#SunflowerAwards2k18#TPAwards2018#FWContest2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon