Chapter Six

37 11 0
                                    

Isang lingo na ako nililigawan ni Isaac and things are doing great between us. Lagi niya akong hinahatid at sinusundo, lagi kaming kumakain sa labas pagkatapos ng practice. Its nice to hang out with him.


Kakatapos lang ng practice namin at eextend pa raw ang boys dahil may laro sila this weekend. Habang kaming mga babae pinauwi.


"Coleen mauna na kami ni Marg uh? Ingat ka sa paghintay kay Isaac." Paalam saakin nila Eunice kumaway kami sa isa't isa bago silang tuluyan lumabas ng locker room.


"Sanchez, totoo bang kayo na ni Isaac?" Nakaupo parin ako sa loob ng locker room habang inaayos ang gamit ko at nilalagay ito ng maayos sa loob ng bag ko. Nakaupo ang ibang mga teammates ko habang hinihintay ang sagot ko.


"Hindi pa." walang sigla kong sagot. I smiled at them and zipped my bag close.


"Hindi pa? Are you sure magiging kayo talaga?" Natatawang tanong ni Sarah which is naging sanhi ng pag taas ko ng isang kilay. There she goes again trying to put fire on everything about Isaac


"Nagaassume na siya na tuloy tuloy ang ligaw ni Isaac." I rolled my eyes sa mga selosang to, hindi ko alam pero simula nang kumalat na nililigawan ako ni Isaac ay madaming babaeng nagrereact na parang selos na selos sila sa pagliligaw ni Isaac saakin.


"What do you mean?" Mataray kong tanong. I dont usually fight back pero masyado na akong naiinis sa mga to.


"What I mean is wag ka masyadong magpaganda Coleen. Baka isang araw magising ka sa katotohanan. Tara girls." Mabilis silang lumabas ng locker room which lead me to think. Ano naman ang ibig sabihin nila? They have been telling me those things paulit ulit. May hindi ba akong alam na alam ng lahat?


"Hey, you done?" Bumalik ako sa katotohanan ng may kumatok sabay bukas ng pinto. Tumungo ako and smiled at him.


"Come out, tara shooting practice tayo." I nod at him. Tumayo ako at binalik ang mga gamit ko sa loob ng locker ko.


Sumunod ako sakammnya papuntang court. Pumunta ako sa three point area at agad naman pinasa ni Isaac ang bola. Tinira ko ito at pasok.


"Galing mo talaga tumira ng tres. Kahit bola ng panglalake." Puri niya saakin na naging sanhi ng pagkangiti ko.


"Tsamba lang naman." I smiled but I was still bothered with everything. Looking at him he was carefree like he cant hurt a fly.


"Sige isa pa. Kapag pumasok yan ay magaling ka talaga." Hamon niya saakin. Agad kong kinuha ang bola na nasa baba at tinira kang yon.


"Woah. Sabi ko sayo!" Masaya siyang pumapalakpak na parang batang binigyan ng jollibee.


"Wala parin matatalo sa isang Quintos. Mas magaling ka saakin." Pinasa ko sakanya ang bola at tinira niya din ito at hindi pumasok ang tira niya.


"Sanchez, Quintos, isasara na ng guard ang ilaw sa court. Umuwi na kayo" sigaw ni coach saamin dalawa. Mabilis namin niligpit ang mga bola at binalik ito sa supply room.

Fragile HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon