Chapter Seven

35 12 0
                                    

[After two years]


"Coleen, samahan mo naman ako mamaya sa St. John's, may practice ako at mag ibibigay ako sa coach namin. Nakuha kasi ako ng St. John para maglaro sa team nila sa darating na competition. Ililibre naman kita pagkatapos dont worry." bulong saakin ng bestfriend kong si Isaac. Nasa loob kami ngayon ng classroom at patapos na ang huling subject namin. Sinubukan ko siyang pakingan habang sinusulat ko ang lessons namin sa notebook ko.


You read it right. Magbestfriends na kami ni Isaac ngayon. After what happened two years ago ay mas pinili kong itago ang nararamdaman ko. And it was a good decision.


"Sige ba, tagal tagal na din nung nakapunta ako sa St. John at may libre kaya so okay na okay." Sagot ko sakanya sabay thumbs up. Ngumiti siya na napaoo niya ako. Binalik ko ang attention ko sa aming guro. Magkatabi ang desk namin ni Isaac kaya hindi mahirap na magusap kami.


"Sige, ako na din ang hahatid sayo pauwi, dating gawi." Ngumiti siya saakin ng matamis. Ganito si Isaac pag may kailangan, gagawin ang lahat para magawa ko ang gusto niya.


Tuloy tuloy parin ang naging klase namin. Lecture dito, lecture doon. Activity dito, activity doon. Ganun na talaga siguro kapag masa ika-apat na taon sa high school.


Napapangiti ako kung naalala ko ang dati. Kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin. Hinding hindi ko makalimutan ang unang beses na nagkakilala kami. Sports fest namin yun nung nasa second year kami. Parang kahapon lang ang mga alaala na yon. We both grew within two years. I quit basketball cause it wasn't for me, si Isaac naman ay patuloy parin sa pagbabasketball.


Kapag inaalala ko ang dati ay natatawa ako maalala paano ako nakasama sa basketball team. I never played real basketball, puro arcade basketball lang ang nilaro ko tuwing pumupunta kami ng kuya ko sa arcade dati. Hindi ko din inaasahan na ako ang tinangal na MVP nang matapos ang event. But quiting was actually a good decision, nagtatampo nga lang sila Marg at Eunice saakin but later on they quit too. It was over powered with wannabe na hindi naman marunong. I looked at Isaac and he was zoned out. Antok siguro to.


"Class dismiss" paalam ng teacher namin at umalis ng classroom. Agad kaming tumayo ni Isaac at kinuha ang sariling bag namin. Nagpaalam ako kay Marg at Eunice na aalis na ako. Nagpaalam na din kami sa ibang mga klaklase at tuluyan na umalis ng classroom.


Nagmadali kaming lumabas ng classrom pero tumigil kami nang makita namin ang isang babae na nagaantay sa labas. She smiled at me at ngumiti din ako sakanya. Lumapit agad siya kay Isaac and her smile was wider. She grab Isaac's left hand.


"Kain tayo." She said. Tch I mentally rolled my eye at her. She's trying so much to get Isaac's attention at itong gago naman ay nagbibigay naman ng attensyon. She swayed his hands waiting for an answer.


"Sorry Louise, may pupuntahan kami ni Coleen ngayon. Basketball." Paliwanag ni Isaac sa babaeng kaharap niya. Ngumuso ito still not letting go of Isaac's hand. Tumingin ako kay Isaac, sinusubukan kong basahin ang utak niya. Do you like her?

Fragile HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon