Natapos ko na ayusin ang closet ko. Napalitan ko na lahat ng damit ko. Tinangal ko ang lahat ng panglalaking t-shirts ko at pinalitan ito sa mga bagong biling pang babaeng damit.
Nakapagbihis at ayos na ako kaya handa na ako matulog. I close the door of my walk in closer and slowly lay down to my bed. What a tiring day. Sandali kong pinikit ang mata ko. Binuksan ko ito muli at kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag sa side table at binuksan ito.
More missed calls and texts from Isaac. When will he ever understand ayaw ko pa muna siyang kausapin. Hindi ko ito pinansin at binuksan ko ang message ni Dylan.
Shit, I forgot to text him my address. Agad ko siyan nireplyan tumingin ako sa orasan at 10 pm na. Maaga pa ako magigising bukas dahil kailangan ko pang mag ayos. Its my first ever real date sa buong buhay ko. I want it to be great.
"Coleen! Gising na!" Malakas na tunog sa pintuan at sigaw ni kuya ang gumising saakin. Inis kong binuksan ang mata ko at padabog na binuksan ang pintuan. Sinalubong ako ng kuya with furious eyebrows. I stretch and yawn.
"I still need to sleep kuya, give me five more minutes." Binagsak ko ang pintuan at bumalik sa paghiga sa kama ko. Pinikit ko ang mga mata ko habang hawak hawak ang unan ko. My soft and fluffy pillow. Bring me back to sleep.
Malakas na pagbukas ng pinto ang narinig ko. Alam kong pintuan ko yun. Hinayaan kong lapitan ako ni kuya, I pretended to be sleeping para sana hindi na ako guguluhin ni kuya. Umupo sa kama ko si kuya habang pinatong ang kanyang kamay sa braso ko.
"Wake up Coleen!" Niyugyug ako ni kuya pero hindi ko lang ito pinansin. Prentend to be dead.
"Its sunday today. Let me sleep." Tinangal ko ang kamay niya and toss facing the other direction.
"Tell that to your visitor. Kanina pa nasa baba." Walang kaemotion emotion na sinabi ni Kuya. Lumaki ang mata ko sa sinabi ni kuya.
"What?! sinong bisita?!" agad ako umupo. Sino naman bisita ang pupunta ng ganitong oras sa bahay.
Then it hit me. Si Dylan! May date kami ni Dylan ngayon!
"Gosh I forgot! Pakisabi kay Dylan to wait. Maliligo na ako." Bumangon ako agad at tinulak si kuya palabas ng kwarto ko at nilock agad ang pinto.
Hindi na ako nagpaligoyligoy pa at agad pumasok sa banyo para maligo. Sa sobrang nagmamadali ay hindi ako nakaligo ng maayos. Lumabas ako agad sa banyo at binuksan ang closet ko. Kinuha ko ang isang dress na binili ko kahapon at sinuot ko ito. Kinuha ko ang lotion at madaling pinahid ito sa katawan ko.
Bilis kong binuksan ang make up kit ko at naglagay ng make up, sinuklayan ko ang buhok ko at kinuha ang bagong pares ng sandal na binili ko din kahapon. Tumingin ako sandali sa salamin at mukang tao na ako. Kinuha ko ang bag ko na nakasabit sa closet ko at madaling bumaba.
BINABASA MO ANG
Fragile Heart
Roman d'amourColeen has always been the boyish type not your average girl. She hates dressing up to her mom's image. She found love in basketball and everyone saw her potential especially her batch mate co-varsity Isaac. She unexpected fell in love with him for...
