Fourth Quarter, down to its last few minutes na. Hindi parin ako makapaniwala na nahabol ng Phantoms ang lamang ng kalaban. The crowd goes wilder and wilder ang intense ng laro pero kinailangan na namin umalis dahil tinatawagan na kami ni Felly, ready na raw ang pagkain sa canteen kaya hindi na namin hinintay matapos ang laro at umalis na sa gym dahil gutom na daw si Eunice.
Pag pasok namin sa canteen ay agad namin hinanap ang mga kasama namin. Pero wala sila roon. Tinawagan agad ni Marg si Felly upang alamin kung nasa sila.
"Nasa Function room raw sila. Hiniram ni Felly ang function para sa celebration natin. Ganun talaga pag may connection sa school principal madali lang makahiram ng mga gamit ng school." agad naman kami pumunta sa function room na nasa tabi ng Student's lounge. Pagpasok namin ay agad sumalubong ang ingay ng music at amoy ng iba't ibang klaseng pagkain.
"Wow Felly, ang dami naman ng binili mo. Hindi natin to maubos." sabi ni Eunice habang isa isa tinignan ang mga pagkain na nakalagay sa mesa. Halatang gutom na talaga.
"Para sa lahat to including the boys. Hintayin natin sila uh. Baka patapos na ang game nila Marvin told me to buy food for them too." Napasimangot si Eunice sa narinig niya dahan dahan niyang binalik ang plato na hawak hawak niya. Hahaha hindi pa kasi siya makakain.
"Oo patapos na galing kami roon." Sagot ni Marj kay Felly at biglang lumiwanag ang muka nito. Something smells so fishy. Nagpapacute ba tong babaeng to?
"Sino leading?" tanong ni Felly kay Marj na parang excited na excited.
"Tayo, half shot. Ang sanhi, Coleen Sanchez" tumingin ako kay Marg at binangat niya ako sa braso kapa napaaray ako. I rolled my eyes at her then shake my head. Nagtatawanan kaming tatlo pero si Felly parang confuse na confuse sa sinabi ni Marg.
"Huh? Bakit si Coleen? Pumasok siya para mag laro?" She dumb? Tumaas ang kilay ko kay Felly na tumingin saakin. Hmm.. If I know may gusto to kay someone. Maybe kay Pretty boy?
"Aba nag cheer ba naman kay Isaac. Kaya ayun napatira ng apat na tres wala sa oras." Pinalo ko si Marg sa balikat. I need her to stop talking baka kalbuhin na ako ni Felly sa isip niya. Biglang nag iba ang aura ni Felly, Her friendly aura turned into a feisty mode.
"Uy. Hindi kaya. All I did was cheer the team. " tangi ko kay Marg. Trying to stop her from talking nilaki ko ang mata ko para magets niya na tumigil na. But she didnt.
"Cheer mo nga ang sanhi. At anong team ka diyan. Go number 9? Sino ba ang 9?" nilabas ko lang ang dila ko kay Marg bago umalis nakijoin sa ibang teammates namin na nagchichikahan nakaupo sa mono block chairs. Iwas na ako doon baka magkaissue pa ako niyan. Dumaan ang thirty minutes bago dumating ang mga lalake na bagong ligo habang hawak hawak ang kahawig na trophy namin.
"Announcing the arrival of the Champions!" Sigaw ni Marvin pagpasok niya sa function room. Agad na nang gulo ang mga lalake sa mga ayos ng upuan. Hindi ba sila nawawalan ng energy? Lahat naman kami ay pumalakpak sa pagdating nila. Tumayo na kaming lahat ay naghanap ng sariling table. Dahil may halong landi ang mga teammates namin, hindi kami sabay sabay umupo.
"Isaac, dito ka umupo sa mesa namin." yaya ni Felly kay Isaac. Agad kaming napatingin kay Felly who is trying to get Isaac's attention. See, may gusto siya kay Pretty boy. Susunod na sana si Isaac kay Felly ng hilain ng kapatid niya si Isaac palayo.

BINABASA MO ANG
Fragile Heart
RomanceColeen has always been the boyish type not your average girl. She hates dressing up to her mom's image. She found love in basketball and everyone saw her potential especially her batch mate co-varsity Isaac. She unexpected fell in love with him for...