The Mysterious Man in my Bed

12.3K 259 1
                                    

Chapter2

Tahimik na nagbabasa si Joyce ng records sa computer niya ng bigla nalang sumulpot si Seonggyun sa harap niya. Muntik na niyang mabato ito ng paperweight dahil sa labis na pagkagulat. When she, look around, tila busy ang kanyang mga ka-opisina sa trabaho. Pero sigurado siyang nag-aabang ang mga ito sa pagdaan ni Hagyun.

"Whoa! Easy, Joyce! delakado palang gulatin ka, nakakamatay!"
Tumatawang sabi nito.

"I'm sorry, Sir. Hindi ka kasi kumatok. Do you need anything, Sir?" Pormal na tanong niya rito.

Isa siya sa mga senior accountant ng E.U. Accountant Firm at pawang malalaking kliyente ang hinahawakan niya. Nalipat kay Seonggyun ang pamamahala niyon pagkatapos mag migrate ang ama at ina nito sa Korea. Kaklase niya ito at ka org-mate sa UP Diliman kaya nahikayat siya nitong magtrabaho sa kompanya nito bagaman may mas malalaking kompanya ang nagtatangkang kumuha ng serbisyo niya. Bakit pa siya maghahanap ng iba gayong malaki ang sinasahod niya sa E.U. Company. Marami siyang nakukuhang benifits sa kompanya at  mabait pa ang boss niya?

"Eto' nanaman tayo sa kaka-sir mo, eh! Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan!" Reklamo nang binata.

"Wala talaga," sabi niya. Bagaman magkaibigan sila, iba kapag nasa trabaho. Gusto niya na maging pormal sa opisina kaya patuloy siya sa pagtawag ng "Sir" dito kahit na labis ang pagtutol nito roon.

"Nakakatampo kana, wala ka talagang puso!" biro ni Seonggyun sakanya.

"Alam ko!Natawa niyang sabi. "Bakit kaba napadpad dito? Nasa pantry si Kyla. Mamaya pa 'yun pupunta rito," aniya na ang tinutukoy ay ang bagong fling nito. Bagamat ang babaeng nakita niya kanina ay nauugnay rin sa binata. Malapit kasi ito sa mga babae. Minsan ay ang mga babae pa ang gumawagawa ng unang hakbang mapansin lang sila ni Seonggyun.
Malaks ang appeal nito. Malakas ang karisam niya pagdating sa mga babae.

Madalas mag-punta sa cubicle niya ang magandang junior accountant dahil paborito siya nitong hingan ng tulong. "Ikaw talaga ang ipinunta ko rito," ani Seonggyun.

"May ipapakiusap kananaman sa akin? Naku, kung tungkol sa babae na naman 'yan, tigilan mo na ako!" Ikinumpas pa niya ni Joyce ang kanang kamay bilang pag-tataboy dito.

Sumimangot ang guwapong binata. "Grabe naman 'to! Lahat ba ng puwede kung ipunta rito, ay dahil sa babae?"

"Oo!" Walang kagatol-gatol niyang sagot.

"Hindi kaya!?" ani Seonggyun.

Hindi na niya kinontra ang sinabi nito.Sa halip tinanong niya ito kung ano ang ipinunta nito roon.

"Ipapakiusap ko sana sa'yo na ikaw ang humawak sa Laurel?" sabi nito na ng tinutukoy ay ang restaurant na pag-aari ni Hagyun, ang kapatid nitong habulin rin sa chicks. Ang lalaking kanina lang ay laman ng isipan niya. But why? naisaloob niya. Bakit kailangan siyang i-transfer doon? May problema kaya?

Kumunot ang noo ni Joyce. "'Di ba, si Katrina ang may hawak no'n? senior din naman siya, ah?"

"Eh, kasi..." Nagkamot ito sa ulo. He talk so soft. "Alam mo naman ang record ni Hagyun pagdating sa babae, 'di ba? Inaakit yata siya ni Katrina."

The Mysterious Man in my Bed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon