The Mysterious Man in my Bed

10.1K 203 2
                                    

Chapter3

"Mmh...Joyce? Puwede bang hawakan mo na to'ng Laurel, please?" nahimigan niya ang pagsusumamo sa tinig ni Seonggyun.

"Sige na, Joyce," udyok ni Rey.

"Oo nga. Para may katapat na rin to'ng si Hagyun," ani Jay. "Aray! Ba't ka ba nambabatok?" sita ni Jay sa kaibigang si Rey.

Humarap si Joyce sa mga ito at pinakatitigan si Hagyun.Seryoso ang anyo niya. "Okey," mayamaya ay sagot niya sa mga ito.

Sabay-sabay na nag-yes sina Seonggyun, Rey at Jay samantalang nakita niyang tumaas naman ang isang sulok ng mga labi ni Hagyun. Hindi niya nagustuhan ang asta niyang iyon. Nayayabangan parin siya kay Hagyun. Pasalamat ito at professional siya kung hindi ay baka kanina pa niya nakalmot ang mukha ng guwapong binata.

"Good morning, Ma'am Joyce!" bati sa kaniya ng guard ng umagang iyon habang papasok na siya sa opisina.

"Good morning din po, Mang Terio!" Bati ni Joyce sa security guard nang Laurel.

Ikalawang lingo na ng pag-tratrabaho niya sa restaurant ni Hagyun at walang araw na hindi sila nag-babangayan. Minsan kahit wala naman siyang sinasabing masama ay bigla nalang itong nag-sisimula ng argumento. Syempre hindi naman siya nagpapatalo. Napabuntong-hininga na naman siya. Another brain-hammering day was a head. naisaloob niya. "Kim, nasa loob na ba ang boss mo?" tanong niya sa staff na kasalukuyang nag-pupunas sa counter

"Ay, yes, Ma'am Joyce. Two straight weeks na ngang maaga kung pumasok 'yang si Sir Hagyun.
Nakakapanibago minsan. Minsan ay nauunahan pa niya kaming pumasok," sagot ng staff na pinagtanungan niya.

"Ah, okey. Baka natauhan na." pag-bibiro ni Joyce kay Kim.

"Natauhan saan, Ma'am?" slow nitong pick-up sa sinabi niya.

"Natauhan na dapat hindi ginagabi-gabi ang mga babae!" ani Joyce at sabay silang nag-tawanan.

"I heard that!" singit ni Hagyun sa kanila.

"Nakalimutan ko palang gumawa ng crepe basic, Ma'am. Sige po," ani Kim at mabalis na nagt-ungo sa pantry ng opisina

"Natauhan pala, ha?" ani Hagyun sa kaniya.

Nilingon ni Joyce si Hagyun. "Good morning, Sir!" Balewalang bati niya rito. At deretsong nag-tungo sa kanyang opisina. Sinundan siya ni Hagyun.

"Gusto ko lang linawin hindi ako ang lumalapit sa kanila? Sila ang lumalapit sa akin?" paliwanag ni Hagyun sa kaniya.

"You were saying, Sir?" Kunwari ay hindi narinig ni Joyce ang sinasabi nito na tanong. Binuksan niya ang computer sa mesa niya.

"Hindi ko kasalanan kung lapit ng lapit sa akin ang mga babae. Ano bang nakita niyo sa akin at gustong-gusto niyo ako, ha?" may pagkamayabang ang tonong sabi nito.

Ang yabang talaga! "Excuse me, Sir, hindi lahat ng babae ay nababaliw saiyo, gaya ng mga ex-girlfriend mo!" Mataray na sabi ni Joyce kay Hagyun.

Nagkamot si Hagyun sa kanyang baba. "Wala akong kilalang babae na kilala rin ako na walang gusto sa akin?" tila aminado nitong sabi. Malakas ang kompyansa sa kanyang sarili.

The Mysterious Man in my Bed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon