The Mysterious Man in my Bed

5.3K 113 8
                                    

Chapter17

Gaya ng inaasahan ni Joyce, nakaantabay na ang kanyang mga ka-opisina sa umagang iyon.Kaagad siyang pinagkumpulan ng mga ito.

"Bilis na? Magkuwento ka na," excited na sabi ni Novz.

"Ng ano?" patay-malisyang tanong niya. "Anong gusto ninyo, Cinderella o Sleeping Beauty?" Kunwari ay pagmaang-maangan niya. Alam kasi niya kung ano ang ibig ng mga ito.

Napairap ang mga ito dahil sa hindi satisfied sa pagde-deny niya. "Patawa ka, Ma'am! Saan kayo nag-punta kagabi?"

"Sino nga?" ani Joyce dito.

"Sino pa Ma'am, eh, 'di si sir Hagyun," sabi ng isa sa mga katrabaho niya. "May nakakita sainyo sa car park kahapon na mag-kasama! And madam, chismis rin na nagtsup-tsupan kayo doon."  Natatawang share ng babae. Pinamulaan siya ng mukha. Hindi niya na pag-handaan ang ganoong katanungan ng kanyang mga katrabaho sa umagang iyon.

"What?" Joyce screamed with shocked. "Sabi ko na nga ba, eh?"

"Huwag kang mag-alalala ma'am? Kami-kamilang naman ang nakakaalam at huwag ka ng kill joy. Come' on tell us? Kayo na ba ni Sir Hagyun? Paano si Seongyun?" usisa ng isa.

Mukhang na-corner si Joyce sa mga  katanungang iyon. Agad na inayos niya ang kanyang sarili para hindi mahalata ang kanyang pagkakapahiya. "Last night..k-kumain lang kami sa labas. Iyong lang, wala na," aniya sa mga ito.

"How about po 'yung kiss ma'am? Masarap ba?" Her face turned red like it was burning with a hot chili paste that spread to her face. Imbis na sumagot ay sinabihan niya si Novz na ito muna ang magiging secretary ni Hagyun pansamantala. Nagtataka man ang dalaga ay sinunod pa rin nman nito ang utos niya

"Ma'am may viral video ka, o!" Sabi ng isa sa mga katrabaho niya habang iniaabot nito ang kanyang cellphone sa kanya. Pinapanood nito ang video kung saan nakahandusay siya sa gilid ng kalsada at kung saan naman ay nag-susuntukan sina Hagyun at Seongyun. May nag-video daw sa kaniya  kagabi at pinost nito sa Facebook at kumalat na sa social media. Marami ang nakapanood dito at trmding na ito.

Napamura na lang si Joyce sa napanood. "What the fuck!" Hindi niya napigilang sabi dahil sa sobrang panggigigil. Akalain mong naging sikat siya dahil sa dalawang mag-kapatid. Nakalagay pa sa caption na two-brothers are fighting with this lucky girl. Sino kaya sa dalawa ang mananalo? Kapag nakita niya talaga ang dalawa ay pagsasamapalin niya ang mga ito ng tag-kabilaan. Naiinis na talaga siya. Hindi porke't may pabulaklak ang mga ito ay quits na sila. They are wrong! Humanda ang mga ito oras na bumalik sila sa kompanya. Parang gusto niyang bumuga ng apoy ng mga sandaling iyon.

"Hi. Sir, good morning," bati ng isang tinig.

Nasa opisina si Hagyun ngayon at abala sa mga papeles na pipirmahan. Hindi nito nilingon ang babae at hindi pinansin. Pinagpatuloy lang niya ang pag-babasa sa mga papeles na nasa harapan niya.

"Sir, do you prefer coffe or tea?" muling wika nito.

"Who are you?" galit niyang tanong rito.

"Ako po si Novz Aquino. Ang bago niyong accountant." Magalang na sagot niya.

"Who hired you?" nakakunot-noong tanong ni Hagyun sa babae.

"Si Seonggyun, Sir," mabilis niyang sagot .

"I don't need you here. Get out!" Galit nitong utos. Nang hindi tumalima ang babae ay tiningnan niya ito ng masama. "Do you hear me, Miss Aquino? I said, get out!"

The Mysterious Man in my Bed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon