Chapter5
"Natutula kana riyan? Sumakay na tayo sa kotse at nilalamig ako. Kapag nagkasakit ako, aalagaan mo ako, sige ka!" Pananakot ni Hagyun sa kanya. Yakap nito ang sarili na ginaw na ginaw talaga ito.
"Bakit naman ako sasakay sa kotse mo?" tanong ni Joyce sa binata.
Pinandilatan siya ni Hagyun. "Choosy ka pa? Wala ka kayang masakyan!"
Palihim siyang napangiti sa sinabi nito. May pagka Vice Ganda talaga ito kung mambara. Hindi na lamang siya sumagot at tinungo na ang kotse nito. Akmang bubuksan niya ang pinto niyon ng pagilan siya nito. Nagkadikit tuloy ang kanilang mga balat. Cliche mang sabihin, tila may kuryenteng talagang dumaloy sa kanilang mga kamay ng magdikit ang mga iyon. Tuloy, animo napasa na dagling inilayo niya ang kanyang kamay.
"Gentlemen ako. Let me open the door for you." ani Hagyun kay Joyce.
Dahil medyo hilo pa siya sa pagkakadinti ng kanilang mga kamay ay napatango na lamang siya. Wala sa sariling pumasok siya kotse. Nagulat siya ng bigla itong lumapit sa kanya para ikabit ang seat belt niya. "Hindi ako baldado! Kaya kung ikabit ang seatbelt sa sarili ko!" Pagtataray ni Joyce para mapagtakpan ang tila paglusob ng mga kabayo sa kanyang dibdib.
Nginitian lang siya ni Hagyun. "I don't think it's a good idea na sagasain ang traffic? Bumper to bumper daw talaga sa Cubao. Kape muna tayo," sabi nito.
"Wala ka bang alam na shortcut?" Gusto na niyang umuwi dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Para siyang kinikilig na ewan. Ang masama, kay Hagyun niya iyon nararamdaman. Ayaw niya iyon.
May pagtataka ang tinging ipinukol ni Hagyun sa kanya. "Bakit ba nagmamadali ka? May hahabulin kabang flight?" tanong ni Hagyun sakanya. Nakakunot-noo ito.
Tinignan ito ni Joyce ng masama. Wala siyang maisip na dahilan upang tanggihan ang paanyaya nito. "Sige na nga? Magkakape na kung magkakape!"
"Yes!" ani Hagyun.
Nilingon niya ito. "Ang saya mo naman yata?" ani Joyce.
Ngumiti ito sa kanya. "Natutuwa lang ako kasi magkakape ako. Nilalamig kaya ako," sabi ni Hagyun saka niyakap na naman nito ang sarili.
Napailing na lamang si Joyce. Nang makarating sila sa coffee shop ay hindi naman ito um-order ng mainit na kape, bagkus strawberry frapppucino rin ang in-order nito gaya ng sakanya "Ang akala ko ba, nilalamig ka? Bakit nang gaya ka ng order?"
"Bakit masama ba? Pag-aari mo ba ang flavor ng frappe na in-order natin?" sumbat ni Hagyun sakanya.
Pinaikot ni Joyce ang mga mata. Wala talaga itong kwentang kausap.
"Sorry nga pala." Simula ni Hagyun sa katahimikang namagitan sa kanila.
Napakunot-noo naman si Joyce. Ano na naman ang drama nito at biglang nag-so sorry?
"Sorry kung hindi maganda ang first meeting natin in-understimate kita. Saka sorry din kung nahuli ako ng dating kanina. Siguro ang tagal mo nang nakatayo ro'n, no?" tanong ni Hagyun sa kanya.
"Mag iisang oras." Joyce answered
Nanlaki ang mga mata nito, kapagkuwan ay yumuko ito. "See? Pasensiya ka na, ha?"anito.
Muntik na siyang matuwa sa hitsura ni Hagyun. "Ano kaba? Wala kang obligasyon na sunduin ako? Mukha kang ewan diyan!"
"Kahit na ba?" ani Hagyun.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Man in my Bed
RomanceCOMPLETED(Warning SPG/R-18)I was awake in the middle of the night making love with the Mysterious Man in my Bed.... Read according to your sense.