Chapter9
Para makalimutan niya si Hagyun, pilit isinubsob ni Joyce ang sarili sa trabaho. Pero saglit lang niya nakalimutan ito. Suddenly, there was a flurry of activity outside her cubicle. Nang napatingin siya sa front desk, nakita niyang tila excited ang kanyang mga kaopisina. Lalo tuloy nawala ang concentration niya dahil umingay ang buong paligid. Napapailing na ibinaling niya ang kanyang atensiyon sa balance sheet na nakalatag sa kanyang mesa na hindi niya mabala-balanse. But she felt accelerated tempo of the office's pulse, sense of quickening interest.
Puzzled by the unknown cause of all this commotion, tumayo siya at pinuntahan ang kalapit niyang cubicle. "Ano'ng meron?" tanong niya kay Novz. "The place in a quit uproar-if there is such thing."
"Hindi mo ba alam? Si sir Hagyun biglang dadalaw," she informed her, obviously thrilled. "Tumawag daw siya at nagpasabi na darating siya."
Parang nalaglag ang puso ni Joyce sa narinig. Pero hindi siya nagpahalata. What did she have to be nervous about? "So, what's the fuss?" Pinilit niyang huwag gumaralgal ang kanyang boses. "Kailangan ba nating mag-sabit ng 'welcome' banner?"
"Hindi ka excited?" nakataas ang kilay na tanong ni Novz. "Malay mo, imbitahan ka niya muling mag-dinner. Wala ka ng idadahilan ngayon dahil hindi naman Baclaran day."
"At bakit naman ako ma-e-excite?" Pagkukunwari ni Joyce. "Saka hindi naman ako umaasang pansinin niya uli. Nabuhusan ko lang siya ng kape noon kaya niya ako pinansin."
"Puwes, kung hindi ka umaasa, kami umaasa," tila kinikilig na sabi ni Novz sa kanya.
"Anong oras daw siya darating?"
"Uy, interesado siya bigla?" panunukso ni Novz sakanya. "Hindi niya sinabi. Kaya basta nalang susulpot 'yon. Kaya mag-busy-bisihin ka lang kunwari riyan, maam Joyce habang wala pa si Sir Hagyun."
Lalo tuloy siyang hindi makapag-concentrate sa kanyang ginagawa nang bumalik siya sa kanyang cubicle. Inilabas niya ang kanyang compact make-up kit. She paused in front of the small mirror on a side wall to freshen her lipstick. Pagkatapos ay plano niyang mag-pulbos ng kaunti. But she strocked on a hint of blusher, then re-touched her long lashes with mascara. Nang matapos siya, she had completely redone her make-up.
Studying her reflection, she decided she was not attractive but definitely a raving beauty. Her long black wavy hair and black eyes were pleasing, but not startling. Her figure was slender with all the proper curves, but not eye-popping. All the while, pilit niyang iginigiit sa kanyang sarili that this assessment had nothing to do with Hagyun. Pero hindi maikakailang ayaw niyang pumunta sa restroom to freshen her make-up at baka magkataon na wala siya sa puwesto niya pagdaan nito.
Dumating ang tanghalian pero wala pa ito. Dumating ang afternoon break pero wala paring Hagyun ang dumarating. Kaya parang nawalan na siya ng pag-asang susulpot pa ito. Then suddenly, there was subdued commotion. Pasimpleng tumingin siya sa front door. Hagyun Eu just arrived. "Nandito na siya." Novz squeaked in a hushed tones. As if hindi pa niya alam. Kunwari ay nakatutok siya sa monitor ng kanyang computer as she waited for Hagyun to pass by. Daraan ba ito sa cubicle niya?
Ilang segundo lang na sagot ang katanungan niyang 'yon dahil dumiretso si Hagyun sa opisina ng kanilang manager. Ni hindi ito sumulyap sa kinaroroonan niya. Nasaktan siya. She tried to blink back her tears. Bago tuluyang nalaglag ang kanyang mga luha, tumayo siya at pumunta sa restroom. Mabuti nalang at walang ibang tao roon. Kaya malaya niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Joyce had been in the restroom for almost five minutes trying to compose herself when there was a knock on the door. Sino naman kaya ang kumakatok? Hindi naman niya ini-lock ang pinto. Binuksan niya ang pinto. Kamuntik na siyang mapasigaw ng si Hagyun ang nabungaran niya.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Man in my Bed
RomanceCOMPLETED(Warning SPG/R-18)I was awake in the middle of the night making love with the Mysterious Man in my Bed.... Read according to your sense.