Chapter8
Si Joyce ang bumasag ng katahimikan. "Kaya hindi mo ako masisi kung hindi ko magawang mag-tiwala sa mga kagaya mo?"
Tumango-tango si Hagyun. "Actually, iyon nga ang iniisip ko ngayon? You hate men who don't know the value of woman. I feel like total dumbass!"
"Hindi ko naman kinamumuhian ang buong lahi ninyo. May mga kaibigan din akong lalaki. Hindi lang talaga ako kampante sa mga tulad mo na guwapo at babaero. Marami kasi kayong pag-kakapareho ng papa ko. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas. Natatakot ako." ani Joyce sakanya.
"Kung natatakot ka, bakit sumama ka sa akin ngayon?" ani Hagyun.
"Hindi ko rin alam." Totoo ang sinabi niyang iyon. Kahit kasi natatakot siya sa kagaya nito, magaan ang loob niya rito. Parang may nahipo itong parte ng kanyang puso na nag-papaamo sa kanya. Doon siya natatakot. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya rito.
Bumuntong-hininga ito, kapagkuwan ay tumayo ito. "Tutulungan kitang matalo ang takot sa dibdib mo. Pangako iyan!" Ani Hagyun kay Joyce.
Pinagmasdan niya ito. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig nito. Tumingin ito sa mga mata niya. "Be my date tomorrow, Joyce."
Kumunot ang noo ni Joyce. "Date? Tomorrow?"
Tumango ito. "Birthday ni Mommy Jen bukas. May party sa bahay namin. Andoon rin sina Rey at Jay and my brother Seongyun kaya hindi ka ma&a-out of place do'n." ani Hagyun sa kaniya.
"Bakit ako ang isasama mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joyce sa binata.
Sumimangot si Hagyun. "Anong klaseng tanong 'yan. Simple lang ang dahilan? Gusto kong ikaw ang isama ko. Kaya pumayag kana at siguraduhin kong mag-eenjoy ka. Pero kung ayaw mo talaga, okey lang?"
"Gusto ko." ani Joyce kay Hagyun.
"Huh?" anito.
"Sabi ko gusto kung sumama!" Natawa siya sa hindi pag-kapaniwala ang gumuhit sa mukha nito. "Ano namang hitsura iyan? Masyado bang hindi kapani-paniwala na pumayag akong maging date mo?"
"Hindi lang ako makapaniwalang..." Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi ni Hagyun. "Nag-joke ka kaso corney." Tumawa ito.
"Tse!" ani Joyce, pero natawa narin siya. Hay Hagyun! Napalunok si Hagyun ng sunduin niya si Joyce sa apartment nito para isama sa birthday celebration ng kanyang Mommy Jen. Mukha itong prinsesa sa suot na itim na off shoulder dress. Nakalugay ang along-along buhok nito. Sa halip na high heeled shoes ay ballet shoes ang suot niya. Ayon dito ay hindi siya sanay mag-suot nang 'di takong na sapatos. Sa hitsura nito ay mukhang prinsesa na handa ng sumayaw. She reminded her of a grown-up Alice in Wonderland.
"Hey, ang tahimik mo yata ngayon?" Kumento ni Joyce.
"Huh?" Kumunoot ang noo ni Hagyun sa katanungang iyon.
"Ano'ng nangyari saiyo? Parang wala ka sa sarili. May bumabagabag ba saiyo? Tell me?" ani Joyce.
Pinagmasdan ni Hagyun si Joyce. Puno ng pag-aalala ang anyo nito ng mga sandaling iyon .Gustong mag-bunyi ni Hagyun. May isang prinsesa na nag-aalala sa kanya. Sa malas, wala itong kamalay-malay na ito ang bumagabag sa kanya. Sa kung anong dahilan ay nasaktan din siya ng makita niya itong umiyak ng nag-daang gabi. Tahimik lang itong umiyak, ni hindi niya nalaman na umiiyak ito maliban ng makita niya ang mga luha sa mga mata nito. Pero dama niya ang sakit na nadarama nito.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Man in my Bed
RomanceCOMPLETED(Warning SPG/R-18)I was awake in the middle of the night making love with the Mysterious Man in my Bed.... Read according to your sense.