The Mysterious Man in my Bed

6.9K 132 2
                                    

Chapter7

"Nakita mo lang ang Renz na iyon, nawala ka na sa sarili," sabi pa ni Hagyun.

Hindi nagkomento si Joyce.

"Hindi na ako magsasalita pa. Wala ka namang naiintindihan sa mga sinasabi ko, eh?" Nagtatampong sabi muli ni Hagyun sa kaniya.

Nais matawa ni Joyce. Para itong batang nag-mamaktol dahil hindi pinansin nang ina. Nakuha ang pansin niya sa paper bag na nakalapag sa dashboard. Hawak nito iyon kanina at basta nalang nilapag sa dashboard ng makasakay na sila sa kotse nito. Inabot niya iyon at tinignan kung ano ang laman ng box.

"Wow! Japanese cake!" Nangingislap ang mga matang sambit ni Joyce ng makita ang paborito niyang pagkain. Bumaling siya kay Hagyun. "Para sa akin ba 'to?" tanong ni Joyce sa binata.Mukhang nagmamaktol parin ito dahil parang napipilitan lang na tumango ito. Natawa siya sa inakto nito. Pero kasunod niyon ay napuno ng tuwa ang puso niya. Mukhang desidido talaga ito na paibigan siya. Sinimulan niyang lantakan ang Japanese cake.

"Buti pa ang Japanese cake napansin!" Mahinang reklamo ni Hagyun.

"Bakit? Pinansin naman kita, ah? Magkasama pa nga tayo ngayon," ani Joyce dito.

"Kanina pa nga ako roon sa lobby. Nauna pa nga akong dumating kaysa sa Renz na iyon?" Maktol pa ring sabi ni Hagyun.

Napatanga si Joyce. "Gaano ka na ba katagal na nag-hintay roon?" Hindi ito sumagot, sumimangot lang. Natawa siya. "Pasensiya naman. Bigla kasing tumawag si Renz , kararating lang niya galing Canada. Natural na unahin ko siya!" Paliwanag ni Joyce sa binata.

"Kahit na, unfair 'yon, dahil ako ang unang dumating! Saka may usapan na tayo!" Katwiran ni Hagyun.

Tinignan niya ito ng mabuti. Nagseselos ba ito? "Nagseselos ka ba kay Renz?" hindi nakatiis na tanong ni Joyce kay Hagyun.

"Bakit naman ako magseselos? 'Di hamak na mas gwapo naman ako roon!" ani Hagyun sa tanong niya.

Natawa siya sa sinabi nito. Pero hindi na siya nagkomento. Nagtaka siya ng ihinto nito ang kotse sa tabi ng kalsada. Kung hindi siya naka seatbelt malamang ay na nauntog na siya.

"Bakit ka huminto?" tanong ni Joyce bigla kay Hagyun ng hininto nito ang kaniyang sasakyan.

"M-may pusa biglang tumawid." ani Hagyun.

"Pusa? Sa Edsa?" Hindi  makapaniwalang balik tanong ni Joyce dito. Hindi niya alam kung matutuwa o maasar siya dito. Is that kind of a joke? naisaloob niya

"Meron nga!" ani Hagyun at tila wala sa sariling pinaandar muli ang kotse.

Pinagmasdan ito ni Joyce. "Nakakita ka na ba ng whitelady?" tanong niya kay Hagyun. Wala kasi siyang ma-isip na ibang dahilan para bigla nitong ihinto ang kotse kundi may nakita itong multo. Ito naman ang natawa. Sa pagkagulat sa ginawa ay muntik na siyang masamid sa kinakaing japanese cake. Bakit parang pati tawa nito ay ang guwapo rin?

"Whitelady? Sa Edsa?" si Hagyun naman ang tumawa.

Inirapan ito ni Joyce

"Daan muna tayo sa Makati park," sabi ni Hagyun sa kanya.

"Makati park? Anong gagawin natin doon?" ani Joyce.

The Mysterious Man in my Bed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon