C-16

5.9K 321 25
                                    

Unedited......

"What Lorena!? Why it's impossible?"sigaw ni Chester sa dalaga.

"Dahil nilason niya ang Lola mo! She want's to kill her!"

Pagak na tumawa si Chester sa tinuran ni Lorena, atsaka siya napailing lahat ng respeto at pagsasaalang-alang niya sa pagkakaibigan nila ay tila alikabok na nilipad ng hangin.

"Sinira mo ang magandang pagtingin ko sayo Lorena."malungkot niyang sabi sa dalaga."kung hindi ka sana nagbago, I might love you more than a friend, but you're really a bratt! Remember this Lorena, mula ng kalabanin nyo si Wendellene, isa na rin ako sa kalaban nyo!"may diin niyang bigkas sa dalagang bakas sa mga mata ang lungkot at sakit.

"C-Chester.?"ang tawag ni Lorena dito ngunit nagmistula siyang bingi na kahit isang segundo ay hindi niya ito nilingon.

Tahimik na bumalik si Chester sa kanyang kotse at nagmaneho pabalik ng hotel kung saan tumutuloy sila Wendellene. Inabutan niya si Franco sa lobby ng hotel.

"Franco?"

"Brod, anong balita sa naging lakad mo?"

"I know kahit hindi magsalita si Mommy at Lorena ay sila ang may kagagawan nito,alam kong set up ito,at hindi ko hahayaan na magtagumpay silang dalawa."

"I can't believe this is happening, how come? Tita Charisma and Lorena."

"I know, doble-doble ng hiya ang nararamdaman ko sa pamilya ni Wendellene."

"Wala ka naman kasalanan sa nangyari. Kailangan din nating gumawa ng imbestigasyon sa pasyente, tatawagan ko si Francine para umuwi muna ng Pilipinas, isa siyang M.D matutulungan niya tayo, maaari nating sabihin na siya ang personal na titingin kay Lola,walang magagawa ang mga Doctor dito sa Batangas dahil lisensyadong Doctor ang kapatid ko."

Dahil sa tinuran ni Franco ay nagkaroon ng idea si Chester, at sumang-ayon siya dito, bakit nga ba hindi niya naisip ang bagay na iyon, dahil sa sobra niyang pagkataranta kay Wendellene at sa Lola niya ay nawala sa isip niya na maaaring gumagawa ng kalokohan si Lorena.

"Asan ngaun si Francine?"

"Nasa Korea kasama ang Fianceé niya na isang cardiologist,I will call her now Brod then ilipat natin ng hospital si Lola, diskumpiyado ako sa Lorena na yan eh."

"Okey, thanks."

Ng sumenyas si Franco na tatawagan nito ang kapatid ay ipinasya naman niyang puntahan si Wendellene, alam niyang tulog pa ito, magpaalam lang siya sa dalaga. Ngunit pagdating niya sa unit nito ay walang Wendellene na nagbukas sa kanya at ng i-tsek niya sa receptionist ay napag-alaman niyang umalis na rin ang mga ito.

"Babalikan kita Wendellene,tatapusin ko lang ang gulong ito."malungkot niyang pahayag at muling bumalik sa lobby.

"Brod, she's coming tomorrow morning, nagkataon na pauwi na talaga siya. Kailangan asikasuhin natin ang paglipat kay Lola sa Manila."

"Okey, tayo na."

"Sandali nakausap mo ba sila?"

"Umalis na sila pabalik ng Ilocos."matamlay niyang sagot.

"But."

''okey lang I cannot blame them,aayusin ko ang gulong ito atsaka ko siya pupuntahan sa Ilocos."

"Suportahan kita Brod, kahit pa dukutin natin si Wendellene.

Samantala.....

Walang imik si Wendellene habang sakay ng chopper pabalik ng Ilocos, nag-histerikal ang kanyang ina kaya naman no choice sila kundi ang umuwi. Gusto sana niyang magpaalam kay Chester ngunit wala na ito sa hotel ayon sa kanyang ama ay umuwi na ito.

Love Me Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon