Unedited
Chester! Ano ba ganito na lang ba talaga, after all. Lahat ng ginawa ko, basta mo na lang ako bibitiwan!"
"I never hold on you Lorena! Masyado ka lang nag-assume! Besides alam ko na ang plano mo! Mas lalo lang akong nawalan ng respeto sayo!"
"Napaka unfair mo! Wala ka bang nakikitang mali kay Wendellene!"
"Nothing is wrong with her because she is perfect! Lorena, please lang huwag mo akong pilitin na gantihan ka sa mga ginagawa mo! Pareho tayong Doctor at sinamantala mo ang pagkataranta ko kay Lola! Please lang Lorena! Leave us alone!"
"Anong sinasabi mo!?"
"Walang sakit si Lola! At lalong di siya nilason! At alam kong ikaw ang may kagagawan nito! Tao-tauhan mo si Mommy, sa hindi ko maintindihan na dahilan! Why Lorena? Why you have to be cruel with me!?''puno ng hinanakit na tanong ni Chester sa dalaga.
"Because you've never love me, Chester, I did everything for you but still Im nothing for you!"
"We have nothing to talk!"mariing sagot ni Chester at mabilis na nilisan ang Mansion.
Malakas ang kutob niyang si Lorena ang may kagagawan ng lahat ng kalokohan na nangyari sa kanila, agad nilang inilipat ng hospital ang kanyang Lola na hindi nalalaman ng kanyang ina at ni Lorena, at ang Doctor na in-charge sa Lola niya ay naka-bakasyon kaya naman lalong tumindi ang pagduda nila.
Tila isang leon na mabangis si Lorena na sumugod sa ina ni Chester.
"Kailangan mo na kumilos! Kung ayaw mong magsama kayong dalawa ni Wendellene sa kulungan."
"Stop threatening me Lorena! Hindi ko na nga alam ang gagwin ko, huwag mo na akong dagdagan pa ng isipin!"
"Hindi kinagat ni Chester ang marriage certificate na ipinakita ko. Pumalpak ang lahat ng plano ko!"
"Dahil mali ang plano mo! Hindi naman tanga ang anak ko,para maniwala sayong pekeng kasal."
"Whatever! Gusto kong mawala si Wendellene sa landas ko,sa lalong madaling panahon!"
"Lorena! Are you serious! Hindi mo ba nakikita kung gaano ka-impluwensya ang mga Fontana."inis na sagot nito sa dalaga.
"I know kaya nga may nabuo akong plano. At ikaw ang gagawa nito."
Naguguluhang tumingin ang ina ni Chester kay Lorena, habang nakikinig ito sa dalaga.
"See you next time."paalam ni Lorena.
Walang imik na nasundan ng tingin ng Ginang ang dalagang papalayo, totoong natatakot siya na mabulgar ang nagawa niyang krimen noon, ang lihim na 20 taon ng nakakaraan. Hindi man niya ginusto ang maging kriminal ngunit tila hiningi ng pagkakataon ngunit maling tao ang kanyang nabiktima.
"Charisma."malumanay na tawag ni Manang Lucing sa anak ng amo.
"Manang, anong kailangan mo?"
"Mag-isip kang mabuti, huwag kang padala sa takot mo at galit mo, isipin mo ang anak mo at ang iyong ina na kailanman ay hindi nagpabaya sainyo."
"Manang, hindi mo alam ang sinasabi mo! Hindi ako hinanap ni Mama."
"Marami ka pang hindi nalalaman,atsana ay hindi mahuli ang lahat bago mo malaman na nagkamali ka ng paniniwala."

BINABASA MO ANG
Love Me Again (Completed)
RomanceFontana Siblings #5 (TwinHearts-2) Wendellene Race Fontana