C-22

6.2K 319 40
                                    

Unedited....

"Sinong buntis?"

"Daddy?"

"Buntis ka ba iha?"malumanay nitong tanong sa anak.

"Daddy,Im sorry."

"No! Child is always a blessing."sagot nito sa anak at niyakap ito kasabay ng pagbaling kay Chester."you'll be sorry Fuentez kapag naging bastardo ang apo ko! Kapag tinakbuhan mo ang anak ko at inabutan kita kahit nasaan ka pa! Tutustahin kita ng buhay!"

"Sir, hindi ko po gagawin iyon! Pananagutan ko po ang anak ninyo."

"Mabuti kung ganun, ng mas maliwanag."

"Pero may gusto po akong sabihin sainyo,gusto ko pong maging tapat, lalo na kay Wendellene."

"A-ano iyon?"kinakabahang tanong ni Wendellene.

"Hindi ko alam kung paanong nagawa ni Lorena ang imposibleng bagay,at nasisiguro kong may binayaran itong tao para gumawa ng isang marriage contract."tiim ang bagang sabi ni Chester.''but God knows the truth I never married her! Never!"

"That bitch, she is here yesterday! Nagbabanta at hinihintay ang paggising mo."

"Believe me Wendellene hindi ko pinakasalan ang babaeng iyon."

"I know naniniwala ako sayo."ang tugon ng dalaga na hindi maitago ang galit sa mukha.

"Fuentez! Siguraduhin mong gawa-gawa lang talaga ito ni Lorena,kundi malilintikan ka talaga sa'kin."

"Yes Sir, I will."matatag na tugon ni Chester.

Ilang bagay pa ang pinag usapan nilang tatlo bago nagpaalam si Wendell. Kaya naman ng makaalis ito ay saka lang nagpakawala ng malalim na hininga ang binata.

"God! Baby nakakatakot ang Daddy mo."pawisang sabi ni Chester.

"Ganun lang si Daddy over protective."

"Neither me."tugon ni Chester at niyakap ang dalaga.

•••••••••••••••••••

Makalipas ang tatlong araw ay sabay na lumabas ang mag inang Chester at Charisma ng Hospital, dahil na-stroke ang Ginang ay hirap itong magsalita at maging ang kalahati ng katawan nito ay apektado din. Noong una ay ayaw kausapin ni Chester ang ina ngunit dahil sa pakiusap ni Wendellene ay muli nitong pinakitunguhan ng maayos ang ina.

"Next week na ang schedule mo ng plastic surgery, gusto ko sanang sumama pero,nahihirapan ako magbyahe ng malayo basta lumayo-layo ka kay...."

"Baby, don't be jealous I am with Franco, and ofcourse Meg ang pangalawa mong mata at tenga."

"Ang tagal ng one month."napapadyak na wika ni Wendellene at nag umpisa ng tumulo ang luha, oo, iyakin siya pero mas naging iyakin siya ngaun mula ng magbuntis siya.

"Don't worry ate Wends, kasama ako ni soon to be my bayaw."nakangising sabi ng bunsong kapatid ni Wendellene.

"Bakit ka kasama?"maang niyang tanong sa kapatid.

"My mission ako, and you'll see how good I am."buong pagyayabang nitong sabi."atsaka babantayan ko si bayaw."

"Yang kalokohan mo ha Thirdy."

"Ate, seryoso ako!"

"Okey, seryoso ka na."

"Bantay sarado pala ako nito."angal ni Chester na ikinasimangot ng dalaga na agad naman niyang niyakap.

Love Me Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon