C-1

13.2K 359 25
                                    

Unedited....

"Meg, nakita mo si Chester?"tanong ni Wendellene na nagniningning ang mga mata, on her right hand she is holding a box of blueberry cupcake na siya mismo ang gumawa.

Tikwas ang kaliwang kilay na tiningnan ni Meg ang kaibigan.
"Tss,ikaw lang ang Fontanang nanliligaw!"palatak ni Meghan Sebastian ang kanyang bestfriend mula kinder garten sila.

"Hindi ah nakikipagkaibigan lang ako."

"Hmmmp it's obvious Princess! O ayan na pala Prince Charming mo, haha may kasamang witch!"sagot nito na inaasar siya.

Agad na lumukot ang magandang mukha ni Wendellene ng makitang papalapit si Chester James Fuentez kasabay ang nakaabrisieteng si Lorena Aragon. Aminado siyang gusto niya ang binatilyo ngunit hindi niya alam bakit parang hangin siya dito, masyado pa ba siyang maliit sa height niyang 5'8 sa edad na 17? Sa dibdib niyang 34C? Hello ang tangkad ko kaya?at may boobs naman ako gaya ng mommy ko? Mana ang height ko sa Dad kong modelo....dati?"

"Nguso mo pwedeng sabitan ng kaldero!"natatawang sabi ni Meg.

"I hate you!"angil niya sa kaibigan na naiiyak.

"Hala! Ayan ka na naman eh! Sinasabi ko ng crush lang wag agad love! Wendellene Race Fontana! Subukan mong umiyak ngaun sasampalin na talaga kita!"

Ibubuka pa sana niya ang bibig para magsalita ng unahan siya ni Meg ng tumapat sila Chester sa pwesto nila.

"Hey Mr.Fuentez, how are you?"

"Hi Miss Sebastian, im okey,nak's nakapamewang ka pa talaga ha? Mukha kang mang-i-interrogate ng criminal ah?"biro nitong nakangiti na lalong nagpagwapo dito.

Tumaas ang isang kilay ni Meg ng umismid si Lorena.

"Ms Aragon, baka masampal ka ng hangin sa kaka-ismid mo pumirmi ang nguso mong may atsweteng  nakatabingi,papangit kang tingnan, babagay sa uga...."hirit ni Meg na hindi na natapos dahil hinila siya ni Wendellene.

"Ano ba? Ang ingay mo can't you see everybody are looking at you,agaw eksena ka na."pabulong na sabi ni Wendellene.

"Hmmp, by the way Mr.Fuentez,invite lang sana kita, birthday ko kasi sa Saturday, mag outing kami sa kalapit resort sa may Norte, sama ka naman? For old time sake.?"nakangiting sabi ni Meg."and I won't accept NO."

"Hahaha,okey grabe kang mang invite. Kasama ka ba  Labs?"baling ni Chester kay Wendellene na kunot noong nakamasid sa kaibigan na ikinapula ng dalaga.

"Whattttt ayiieeee, Labs?"gagad ni Meg."kayo na ba?

"OA!"bulong ni Lorena!" Hon tara na?"sabi nito kay Chester na nagpakibot ng labi ni Wendellene na parang may nais sabihin habang pulang-pula ang mukha.

"Oi bakit Labs? Mahal mo ang bff ko?"hirit ni Meg kay Chester na nakangiti.

"Labs, kasi para siyang Labanos ang puti niya "Labs short of Labanos."

"Ay ganun! "Dismayadong sabi ni ni Meg."Sinong labs mo itong atswete  lips na ito?"inis na sabi ni Meg at itinuro si Lorena.

"Ano ba ang problema sakin babaeng kawayan?"ganting tanong ni Lorena na kanina pa naaasar sa dalaga.

"Ay kapre ! nagsasalita pala ang atsweteng ito? Well wala naman, hindi ko lang malimutan ang ginawa mo sa'min ni Wendellene noon, kung ang kaibigan ko may pusong mamon at napatawad ka kaaagad pwes! ako hindi! Kaya tandaan mo ulitin mo pa ang pagpapahiya sa kaibigan ko papatayin ko ang mga ugat mo!"nanlalaki ang mga matang sabi ni Meg sa dalaga.

Love Me Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon