Unedited.....
Ang gagawin sanang pag-alis ni Chester pabalik ng Ilocos ay hindi na niya itinuloy pa, dahil sa tatlong dahilan. Una ay ang pagbabantay niya sa dalagang si Wendellene at kay Jonathan,pangalawa ay ang inis niya kay Lorena at pangatlo ay para masigurado niya ang kanyang damdamin.
Malalim na ang gabi,ngunit nanatiling gising pa rin si Wendellene,she is thinking about Meg's advice.
"Kung ayaw mong magulo ang isip, dalawa lang yan best,it's either umalis ka na dyan, o ipaglaban mo ang tunay mong nararamdaman pero kailangan harapin mo ang lahat ng consequences na darating."
Inis siyang umalis mula sa kama at dumiretso siya sa labas ng Mansion,dinala siya ng kanyang mga paa sa likod bahay sa gilid ng pool, ibinaba niya ang kanyang dalawang paa sa tubig at nakapikit na tumingala. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
"Bakit ba ako papaapekto sa kanya,tapos na kami!"bulong niya atsaka nagpasyang hubarin ang suot na night gown, tulog na ang mga tao sa Mansion kaya malaya siyang makakapaglangoy. Ilang stroke ang kanyang ginagawa bago siya sumisid at nagtagal ng ilang minuto sa ilalim ng tubig.
Samantala, halos madapa si Chester sa pagbaba ng hagdan patungo sa pool, kanina pa niya pinapanuod ang dalaga, na noong una ay binalak na niyang lapitan,ngunit alam niyang maiinis na naman ito kaya minabuti na lang niyang panuorin ito ng palihim.
"Shit!"mura niya ng hindi pa lumulutang ang dalaga kaya naman walang alinlangan na tumalon siya sa tubig para hanapin ito, the pool is about 8ft kaya naman napuno ng pag-aalala ang puso niya ng hindi agad lumutang ang dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Wendellene ng may brasong humablot sa kanya pataas,para siyang isdang papasag-pasag dahil walang babalang iniangat siya ng kung sino.
"Damn you freak! Bitiwan mo nga ako!"gigil niyang sabi ng makasagap siya ng hangin.
"Huh!? Wendellene! Hindi ka nalulunod?"gulat na bigkas ni Chester.
"Gago! Mahal ko ang buhay ko para magpakalunod! Grrr! Your such ahhh! Pakialamero!"
"Wendellene sandali! Im sorry nag-alala lang ako sayo. Malay ko ba na may sa isda ka pala na makakatagal sa ilalim ng tubig ng ilang minuto."puno ng pag-aalalang sabi ni Chester.
"Salamat."
"Wendellene, can we talk atleast yung hindi ka palaging galit o nagsisigawan tayo."
"Gaya ng sinabi ko noon, wala na tayong dapat pang pag usapan at isa pa nasabi ko na sayo ang bagay na dapat mong malaman,kung hindi ka kumbinsido,mind your own business."
"Wendellene, wala akong alam sa text message na sinasabi mo. My mom went to your house para sana personal kang ayain noon sa birthday niya,but hindi siya pinatuloy ng Mommy mo, then lumabas ka para sabihin na maghiwalay na tayo dahil,hindi ako nababagay sayo dahil I am not reach enough para buhayin ka."
"Nakakaawa ka Chester,you're such a smart guy,pero napapaikot ka ng mga tao sa paligid sayo,specially your Mom,kahit minsan hindi siya nagpunta sa bahay. Napakasimpleng dahilan Chester!"
"How about you! Hindi ba simpleng dahilan din na basta ka naniwala sa isang text message, bakit hindi mo ako pinuntahan."
BINABASA MO ANG
Love Me Again (Completed)
RomanceFontana Siblings #5 (TwinHearts-2) Wendellene Race Fontana