C-15

5.7K 344 27
                                    

Unedited......

"Atty Fontana! Bakit!?"tanong ng pulis na sinuntok ni William.

"Loko ka! Pipili ka nang babastusin mo! Hindi ang pamangkin ko!"mariing sabi ni William at hinila ang kwelyo ng suot nitong damit.

"Pasensya na Atty akala ko kasi nagbibiro lang si Miss Wendellene."

"Eh gago ka pala talaga! Anong nagbibiro! Hindi ito oras ng pagbibiro kung ikaw kaya ang pagsawaan kong bugbugin!"sabat ni Wendell na kanina pa nagpipigil ng galit.

"Anong problema ang kinasangkutan ng kapatid ko?"tanong ni Yuan.

"Attempted murder."

"Anong murder? Wala sa lahi namin ang pagiging kriminal!"mariing tugon ni William.

"Sino ang complainant?"tanong ni William.

"Mrs Charisma Gomez,anak ni Donya Cristeta Gomez."

"Wendellene,ano ba ang nangyari? Paano kang nasangkot sa gulong ito?"kunot noo na tanong ni William sa pamangkin.

"Donya Cristeta Gomez,is my employer,I am working with her as her personal nurse,Mrs Charisma Gomez is her only daughter and..."

"My mother."tugon ni Chester na kanina pang nakamasid sa kanila.

Sabay-sabay na napalingon ang tatlong Fontana sa binata,agad na tumalim ang paningin ni Yuan at inisang hakbang ang kinatatayuan nito at binigyan ito ng isang suntok sa panga na ikinagulat ng lahat,lalo na ng magkapatid na Wendell at William.

"Yuan Race!? Gusto mo bang makatulong sa kaso ng kapatid mo o pati ikaw ay dadagdag pa?"

"Dad? Im sure siya ang dahilan ng lahat ng ito!?"

"A-ano!? Paano at bakit?"maang na tanong ni Wendell.

"Kuya, enough please."pigil ni Wendellene sa kapatid.

"Why Wendellene wag mong sabihin na naniwala ka na naman sa kanya."

"Kuya enough! Hindi yan ang problema ko! I don't want to be in jail! I did not do anything!"

"Paano mo ipapaliwanag Miss Fontana, na after mong mapainom ng gamot ang aking ina ay nakita na siyang walang malay at bumubula ang bibig! You poisoned her!"singit ng ina ni Chester na di nila namalayan na nakalapit na sa kanila."or should I say you killed her,but hindi ka nagtagumpay she's still fighting for her life in hospital!"


"Anong ebidensya nyo Mrs? Mabigat ang ibinibintang nyo sa pamangkin ko!"tanong ni William na bakas ang galit sa tono nito.

"Siya lang ang nurse sa bahay at nagbibigay ng gamot sa aking ina.'

"Hindi pa rin sapat na basehan ang sinasabi mo! Dahil lahat kayo ay maaring nasa bahay niya at isa sa inyo ang gumawa ng panlalason sa kanya."giit ni William.


"Siya lang ang may dahilan!"

"Bakit Mrs Gomez?" Anong matinding dahilan?"tanong ni Wendell."anong dahilan para gawain ng anak ko ang bagay na iyon? Dahil ba sa pera? Hindi ako maniniwala dahil kahit hindi magtrabaho ang anak for her entire life mabubuhay siyang masagana!"


"Dahil ayaw ni Mama kanya! Para sa anak ko!"mariing sagot ng ina ni Chester.

"Mommy! Tama na huwag kang gumawa ng kwento!"awat ni Chester sa ina."huwag mo ng dagdagan ang galit na unti-unti mong binubuo sa puso ko!"

Love Me Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon