Unedited
"Simple lang Jonathan."tugon ni Lorena at sinabi dito ang plano niya.
"Im sorry Lorena,pero hindi pa naman ako desperado na kagaya mo. Hindi ko ugali ang mamilit ng tao. At baka nakakalimutan mo,kadugo ko si Chester."
"Duwag ka!"nanggigil na sabi ni Lorena.
"Hindi na baleng matawag na duwag, huwag lang maging sakim na kagaya mo."mariin niyang sagot sa dalaga at iniwanan.
Naiiling na naglakad si Jonathan papasok ng Mansion,ng matanaw niya si Wendellene na nasa hammock,agad siyang humakbang papalapit dito.
"Hi."bati niya sa dalaga.
"O,Jonathan ikaw pala."
"Naabala ba kita?"
"Hindi naman, bakit?"
"Wendellene, kailangan mong maging maingat sa lahat ng taong nakakasama mo,maging matalas ang pakiramdam mo,specially to Lorena."
"Maraming salamat Jonathan, pero anong ibig mong sabihin?"
Bahagyang luminga sa paligid si Jonathan at sinigurado niyang sila ang naroroon." She is planning to ruined you and Chester."ang halos pabulong nitong sabi sa kanya.
"Hindi siya.magtatagumpay! At this time lalaban ako."tugon niya sa binata."maraming salamat Jonathan."
"Your welcome, babalik na ako sa Manila bukas,in case you need anything you can call me anytime."
"Don't worry, I am here for her."sagot ni Chester na parehong ikinagulat ng dalawa na mabilis na lumapit sa dalaga at kinintalan ito ng halik sa labi sa mismong harapan ni Jonathan.
"Chester, congratulation take care of her."nakangiti niyang sabi sa binatang pinsan."huwag kang masyadong seloso, hindi ko ugaling makialam sa pag-aari ng iba, bantayan mong mabuti si Wendellene, lalo na at pagdating sa kababata mong baliw."
Nasundan ng tingin ni Chester si Jonathan na papalayo dahil sa sinabi nito,ng tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin ay agad niyang sinulyapan ang dalagang nakangisi sa kanya.
"Bakit?''kunot noo niyang tanong.
"You look pissed off!"tugon ng dalaga.
"Lakas maka-selos ni Jonathan eh!"
"Really sa tanda mo ng iyan, ganyan ka pa rin makaselos?"
"Mahal na mahal lang kita Wendellene,ayaw ko ng mawawala ka pang muli sa'kin."
"Mawawala lang ako,if someone make us separate ng pwersahan."
Masuyong niyakap ni Chester ang dalaga at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Marami silang napag-usapan habang magkayakap na nakahiga sa hammock, na halos ika-pangatal ng ina ni Chester.
"This is can't be!"gigil niyang sabi. Wala sana siyang problema kay Wendellene,ngunit takot siya mga banta ni Lorena,ayaw niyang makulong. Lorena has the aces against her kaya talo siya. Mabilis ang hakbang na nilapitan niya ang dalawa.
"Anong ibig sabihin nito Chester James!"mariin niyang tanong sa mga ito.
"Ma'am!?''gulat na bigkas ni Wendellene."pasensya na po."
"Mommy pwede ba we already talked about this, can you stop repeating yourself,dahil I already told you my decision.''
"How about Lorena ha?"ang naluluha nitong bigkas."hindi mo ito pwedeng balewalain,she gave us everything, ano ito sa isang saglit na nakita mo ang babaeng ito,itatapon mong lahat-lahat! Wala ka man lang ba na palabra-de honor!?"

BINABASA MO ANG
Love Me Again (Completed)
RomanceFontana Siblings #5 (TwinHearts-2) Wendellene Race Fontana