Marj
"Mi, gising na. May ipapakita ako sayo" bungad sakin nang napakagwapo kong boyfriend na napakalaki nang ngiti. Yung mahahawaan ka nung ngiti niya.
Ngumiti ako dahil sa nakakahawa talaga yung ngiti nya.
Tumayo na ako dahil, sino ba namang hindi tatayo sa ganda nang umaga mo.
"Good morning mi, maganda ba tulog nang mommy ko?" Tumango ako bilang sagot.
Kung may boyfriend kang ganito kabait at ka-alaga sigurado akong makakatulog ka nang napakahimbing. Haha.
"Hmm mi, tara kain na tayo sa baba. Nagluto ako nung favorite mo"
Wow, kabait na boyfriend.
"Sige dy, sunod nalang ako. Mag-hihilamos lang ako" sabi ko sa kanya.
Nakakahiya tuloy yung itsura ko, may muta pa o kaya panis na laway. Hay.
"Mi kahit hindi ka naman na maghilamos maganda ka parin" biro niya, as in biro.
"Ah so nagbibiro ka na ngayon dy ah. Deep inside tinatawanan mo na ako eh" sabi ko sa kanya saka kinuha yung towel ko.
"Nope, kung titignan naman mi wala namang pangit sayo eh kaya nga kita nagustuhan eh. Love you mi" saka halik sa noo ko.
Yieee~
Wala tuloy akong masabi. Hindi ko parin maiwasan kiligin hahaha. Umagang umaga kinikilig ako.
"O sya, antayin kita sa baba ah" sabi niya.
Dahil sa hindi ako makapagsalita, tumango nalang ako saka siya lumabas sa kwarto ko.
Ako naman pumasok na ako nang banyo. Hindi ko parin maexpect na ganito kasweet yung boyfriend ko. Actually, nagtataka kayo kung bakit nandito siya? Hindi kami live in kagaya nila James Reid at Nadine Lustre you know haha. Pumupunta lang siya dito sa bahay ko pag wala siyang pasok or kung vacation niya. Isa kasi siyang seaman or mariner.
8 years na kami, ang tagal na ba? But to tell this Love is not about how many days, months, or years you've been together. It's just simply about how much you truly love each other every day. Yan ang paniniwala ko pag binabati kami na ang tagal na nang relasyon namin pero alam ko namang hindi nasusukat dun eh. Tungkol lang to sa pagmamahal namin ngayon. Ok tinagalog ko lang haha.
Syempre sa relasyon namin hindi maiiwasan ang mag-away, masaktan, umiyak, at hindi pagkakasundo pero lagi lang naming tinatandaan na 'challanges are not reason to give up'. Isa lang tong pagsubok na dapat naming lagpasan, hindi ito ikakasira nang relasyon namin. Ginagamit ito para maging matatag kayo.
Too much for advice. Umalis na ako sa kwarto ko at tumuloy sa kusina, amoy na amoy talaga yung luto nang dy ko eh.
By the way, baka naguguluhan kayo sa call sign namin. Tawag kasi niya sakin is "mommy" in short "mi". Sa kanya naman "daddy" so "dy". Para daw kasi kaming mag-asawa haha, medyo korny but I find it sweet.
"Wow! Dy, ang bango nang luto mo ah" tingin ko sa mga pagkain na hinanda niya.
Sa totoo, favorite ko nga yung niluto niya pero parang lahat naman nang luto niya favorite ko eh. It was just a simply a dish but when you taste it, parang kumain ka na sa restaurant. Ewan ko nga kung bakit hindi nalang nag chef si dy.
"Syempre mi, with love yan" sabi niya kaya napangiti ako.
"Dy!" Tawag ko sa kanya.
May gusto lang kasi akong sabihin.
"Hmm?"
"I love you" sabi ko.
Ngumiti siya saka ako nilapitan. Dyyyy! Wag ka ngang ngumiti. Kinikilig ako lalo eh. Kaya napadali yung ligaw niya sakin eh, simpleng ngiti niya lang sakin talagang mapapasagot ka na.
Lumapit siya sakin at hinawakan yung kamay ko
"I love you more mi" sabi niya.
Kahit yan lang sabihin niya feeling ko protektadong protektado ako sa kanya. I really really love this man.
Siguro pati langgam dito sa bahay umalis na dahil sa sobrang kasweetan namin dito sa bahay.
"Mi, kain na tayo. Lalamig na tong niluto ko oh" medyo pout niya.
Tumawa nalang ako at umupo. Ang cute niya kasi mag pout eh hehehe. Lalong lalo na yung kisable lips niya. Kyaa!
"Sang nakakatawa mi?" Tanong niya naman.
"Wala dy ang cute mo kasiii~"
"Ah so di na ako gwapo?" Pout niya nanaman.
Nananadya ata to eh. Sa sobrang gigil ko sa kanya. Pinisil ko nalang yung pisngi niya. Baka mahalikan ko pa to eh.
"Nope, kung titignan naman dy gwapo ka parin eh kaya nga kita nagustuhan eh. Love you dy" pag-gaya ko dun sa sinabi niya kanina sakin sa kwarto.
Sabay pisil ko nanaman sa pisngi niya. Nakakaasar bakit cute siya pag nagpout, ako eh hindi. Ang daya!
"Aww ko mi!" Sigaw niya kaya inalis ko na yung kamay ko sa pisngi niya.
"Sorry dy" pagsosorry ko sa kanya. Namula kasi yung pisngi niya eh. Siguro masakit talaga yung ginawa ko.
"Ano ka ba mi, ok lang" sabi niya.
Nginitian niya ako sign na ok lang siya kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Kain na tayo mi, malamig na tong niluto ko oh" sabi niya kaya kumain na rin lang kami.
____

BINABASA MO ANG
Marry You (COMPLETE)
Romantika'Hindi ko alam na sa huli pala ay magiging isang malungkot na pangyayari na kailan man ay pagsisisihan ko. Hindi ko namalayan na huli na pala ako' Sana... siya ay mapakasalan ko.