Marry you 11

52 4 0
                                        

Marj

"Cher Marjo, andyan na po sundo ko. Goodbye Cher" paalam sakin ng estudyante ko. Siya nalang natitirang estudyante dito sa classroom kasi siya ang president ng klase. She always helped me to check everything here in the classroom every afternoon.

"Sige ingat ka ah" sagot ko.

"Yes cher"

Napabuntong hininga nalang ako.  Nakakapagod na araw.

*Blop plib* ringtone ko. I checked my phone, may nagtext kasi.

Uwian niyo na mi!🤗
Uwi ka na agad, wag
kang magpapagabi. I
texted Lyka na
sumabay ka na sa
kanya for your safety.
I call you later.
I love you❤

-Dy

Mag-rereply na sana ako kay dy ng may kumatok sa door. Tinignan ko kung sino at si Lyka lang pala.

"Marjo saba-"

"Sasabay na ako sayo?" Sagot ko.

Tumango siya at lumapit sakin.

"Sinabi nanaman sayo ni Kuya? Hayy naku, pati ba naman sa kasweetan niyo isasama niyo ko, wala na nga akong lovelife! Maawa naman kayo sakin"

"Haha don't worry Lyka nafefeel ko na ang iyong love of your life" biro ko.

"Che! Tara na nga"

Kinuha ko na yung bag ko tsala yung mga paper na itsetsek ko mamayang gabi.

Pagkasabay namin sa sasakyan ni Lyka bigla nalang ako nakaramdam ng gutom. Parang may gusto akong kainin.

Parang gusto ko ng chiko. Natatakam ako dun.

"Lyka daan nga tayo sa palengke. Bibili ako ng chiko" sabi ko.

"Chiko?" Tanong niya.

"Oo, natatakam ako dun. Gustong kong kumain nun eh"

"Teka nagli--"

"Yun na yung palengke oh, antayin mo nalang ako ah" sabi ko sa kanya na nagaalangan

"S'sige"

Ipinark niya yung sasakyan niya sa gilid at bumaba na ako. Pumunta na ako sa mga fruit vendor at bumili ng chiko.

Bumili ako ng dalawang kilo. Mahal siya kasi hindi niya kapanahunan ngayon. Buti nga daw may nahanap pa ako. Pero kahit mahal siya bibilhin ko talaga. I'm craving for this fruit.

Bumalik na ako kung saan nakapark yung sasakyan ni Lyka.

"Tara na Lyka" sabi ko rito.

Tumango lang siya at sinimulan ng magdrive. Medyo nahirapan kaming lumabas sa sobrang dami kasi ng tao at tricycle.

"Marj.. the principal texted me na half day daw tayo bukas" sabi ni Lyka.

Tumingin ako sa kanya at seryoso lang ang mukha niya.

"Bakit daw?" Tanong ko.

Himala!  Tahimik tong si Lyka eh pagsinasabi ngang half day masaya to eh kala mo nukan parang estudyante.

"Ewan.. kilala mo naman si Principal. Nagsasabi ng walang dahilan"

Sabagay, ewan ko nga dun sa principal namin eh. Magugulat nalang kami.. meron na palang naplanong ganitong event.

Buti narin makakapahinga rin ako bukas.

"Umm lyka? Bat ngarod tahimik ka dyan?? May problema ba??" I asked, nakakapanibago kasi na ang tahimik niya. I think may problema to.

Hindi naman ngarod namansin, hayaan ko nalang. Sasabihin niya rin sakin yan.

"Marjooooo~"

Anyare dito?

"About sa question mo kanina, bukas nalang ha? Haha" saktong nakita ko na yung bahay.

Inhinto niya sa harap at lumabas na ako.

"Sige ingat" at tuluyan na akong umalis.

Pumasok na ako bahay, nilibot ko yung paningin ko sa buong sulok ng bahay. Ibinaba ko na lahat ng gamit ko sa sofa at tinira lang yung chiko saka umupo sa sofa.

Hindi na muna ako nagpalit. Di ko feel na magpalit, parang gusto ko lang kumain ng chiko.

Kinuha ko yung remote at inopen ang tv.

Hayyy. Kapagod talaga magtrabaho, ano ba yan. Puro problema naman yung mga news na napapanuod ko. Hindi manlang masulusyunan naman yan, dagdag pa sa pagod to eh.

Nilipat ko nalang sa ibang channel, yung maganda na.

Dy ko. Bat pagod na pagod ako?? Need ko yung yakap mo.

___

Marry You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon